Kung di mo trip ang pagbabasa lalo na ng mga tulang medyo walang kwenta, pagbabasa nito’y wag mo nalang ituloy sa totoo lang, wala na akong maisip na topic, Eto ay tulang ginawa ni DonPogi at orihinal na piyesa mula sa Wattpad. Nakakatawa lang basahin dahil kahit walang kabuluhan ang tula nya ay meron pa din itong nilalaman at masasabi mong walang limitasyon ang mga literatura upang mag bigay ng buhay sa bawat piyesa.

“Tula ng Pogi” By DonPogi

Kung di mo trip ang pagbabasa

lalo na ng mga tulang medyo walang kwenta,

pagbabasa nito’y wag mo nalang ituloy

 sa totoo lang, wala na aking maisip na ka-rhyme ng “-oy”

Katulad ng sinabi ko kanina,

walang kwenta ‘tong tulang iyong binabasa

pero binabasa mo pa din, kahit medyo paulit-ulit

wag mo na nga basahin, ba’t ba ang kulit?!

Bakit ba gustong gusto mong basahin ‘to?

Bahala ka, di naman akin ang oras na sinasayang mo

Pero alam mo bang may nakatago dito?

Isa itong malupit at astig na sikreto

Para lang tayo nag-uusap,di ba?

kaso ako lang ang nagsasalita sa ating dalawa

Nagbabasa ka lang, parang ang daya

habang ako, nag-iisip, nagsusulat, madaming ginagawa

Di ko nga alam kung bakit ko ginawa itong tula

Minsan ganyan lang talaga pag bored ka, kahit di ka makata

Tinatamad na akong tapusin

Kaya di ko na…

Sana nagustuhan ninyo ang tula ni DonPogi, check ninyo din siya sa Wattpad at wag nyo kalimutan i-check ang iba pa namin blogs dito sa Papogi.com!