Kadalasan, babae lang ang nakikita nating nasasaktan. Paano naman ang mga lalaki?

Kasalanan ba ang mahalin ka?

Minahal kita.

Hindi ko pa ba iyon napatunayan?

Niligawan kita ng matagal na panahon

Naghintay ako

Sinagot mo ako

Naging tayo

Sumaya sa piling ng isa’t isa

Tumagal ang pagsasama

Hindi ko alam na may kulang pa

Di natin maiwasang mag-away

Normal naman sa relasyon diba?

Nagkasakitan man,

Wagi pa rin ang pagmamahalan.

Pero hindi ko alam na nagsawa ka na pala

Na yung akala ko sapat na

Hindi pala

Hinayaan kita sa gusto mong mangyari

Naganap ang hiwalayan kahit ayaw kong lumayo

Kasi yun ang gusto mo

Pinilit kitang sa akin ka lang

Pero giniit mong ika’y nasasakal

Pero ang hindi ko maintindihan

Ako pa rin ang masama

Dahil hindi ko man lang pinilit pa

Na hagkan ka at yakapin

Ng sobrang higpit para hindi ka makawala

Na ligawan kang muli para hindi ka nagsawa

Ginawa ko lang ang gusto mo

Pero bakit ako pa?

Ako pa ang nagloko?

Ako pa yung nanakit?

Ikaw pa yung nasaktan,

Gayong ako ang iniwan?

Huli na ito.

Lahat ng bagay na ginawa ko bago ka umalis

Huli na

Dahil kahit mahal pa rin kita

Malaya ka na

Nasasaktan din ako

Pero hindi ko na kaya to.

Paalam mahal ko, huli na ‘to.

May pakiramdam din kaming mga lalaki. Sana makita nyo. For more blogs, visit papogi.com! Happy reading!