Sa pag-ibig madalas may naiiwan ay may nang iiwan. Maraming naluluko at marami rin ang manluluko.
“Maghihintay ako sa iyong pagbabalik.”
Kung nakapaghintay ako sayo noon, para sa magagawa ko ulit yun ngayon.
“Bakit ba hindi pwedeng maging tayo.”
Bakit nga ba, may mali ba sakin? pero bakit ang lakas ng tama ko sayo.
“Bat di mo pagbigyan ang pag-ibig ko.”
Maghihintay ako sa tamang panahon kung saan doon mo marealize na mahal mo na pala ako.
“Kung malaya lang ako, ipagsisigawan kong mahal kita.”
Kung bibigyan mo sana ako ng pagkakataon, ipagsisigawan ko sa buong mundo na ikaw lang ang mahal ko.
“Kahit mali ang puso, pilit kong tuturuan.”
Minsan lang ako magmamahal ng totoo sana hindi sa maling tao, kahit mali ang puso ko pilit kung tuturuan dahil tama ang pag-ibig na nararamdaman.
“May nagmamahal na ba sayo? sanay ako nalang.”
Mahalin mo lang ako, gagawin ko lahat para sayo.
“Sana ay makapiling kang muli.”
Ito ang natatangi kong hiling sana ay makapiling kang muli, ang muli kang masilayan at muli kang mahagkan.
“Bakit hanap hanap kita? bakit hindi nagsasawa?”
Sa puso koy ikaw lamang, dahil nga sa sobrang mis na kita lagi kitang hinahanap hanap.
“Kailangan ko’y ikaw.”
Wala na akong mahihiling pa kundi ang makapiling kang lagi.
“Idadaan na lang kita sa awitin kong ito, Sabay ang tugtog ng gitara.”
Kapag nalulungkot ako lagi ko hawak ang gitara at kinakanta ang song natin habang tumutulo ang luha at inaalala ka.