May girlfriend ka ba? Seryosohan na ba talaga? Kung oo, paano mo sya mapapanatili sayo? Sapat bang mahalin mo lang sya? Naalala mo pa ba ang araw na sinagot ka niya? Pinapasaya mo ba siya sa araw na iyon buwan buwan? Kung hindi mo alam kung paano, ito na ang sagot para sa pogi problems mo! How to plan a happy monthsary nga ba?

(Disclaimer: Hindi lahat ng sitwasyon dapat ganito. Pero para sa mga babaeng tulad ko, ito ang gusto ko.)

To Do #1: Greet your partner a good morning personally.

To Do #1: Greet your partner a good morning personally.

Masarap sa feeling yung gigising ka, yung happiness mo agad yung una mong makikita. Hindi mo naman kailangan araw-araw gawin. Isipin mo isang araw sa isang buwan mo lang gagawin to. (Kung malapit kayo sa isa’t isa, syempre) Iba pa rin yung sisimulan niya yung araw niya kasama ka, at yung araw na special para sa inyong dalawa.

To Do #2: Stay with her the whole day.

To Do #2: Stay with her the whole day.

Special day nyo nga diba? Paano magiging special kung wala ka? Hayaan mong maramdaman niya na kasama ka niya sa araw niyong dalawa. In that way, hindi niya maiisip na nagsisisi ka na nanligaw ka sa kanya at naging girlfriend ka niya. Let her feel great dahil hindi ka nagsisi na siya ang pinula mo mula sa simula hanggang sa kung nasaan man kayo ngayon.

To Do #3: Do things with her that will make both of you happy.

To Do #3: Do things with her that will make both of you happy.

Huwag kayong mag-aaway. Better not make something na ikalulungkot niya. Make her happier than your usual day. Hindi pwedeng maging malungkot para sa inyo dahil yun yung araw ng pagiging kayo. Gawin nyo yung mga bagay na pareho kayong mag-eenjoy. Yung pareho niyong gusto. Don’t decide individually dahil hindi ka mag-isa sa celebration niyo. Dalawa kayo, at yung mga desisyon niyo, dapat pinag-uusapan niyong pareho. Maliit man o malaking bagay ito.

To Do #4: Be extra sweet.

To Do #4: Be extra sweet.

Kung sweet ka sa kanya usually, be extra sweet pag monthsary. Doon niya mararamdaman na kahit matagal na kayong magkasama, andyan pa rin yung pagmamahal at interes na una niyang nakita noong sinimulan mo siyang gustuhin at ligawan. Be consistent. Wag kang magbabago. If ever, improve for the better.

To Do #5: Never forget to end a day with 'I love you' and 'Happy Monthsary'

To Do #5: Never forget to end a day with ‘I love you’ and ‘Happy Monthsary’

Always end your everydays as a couple with I love yous kahit hindi niyo monthsary. At syempre, don’t forget to greet your girl a happy monthsary from the beginning especially at the end of the day. Tell her you’re happy you spent the day with her. At least, doon, mafi-feel niya na hindi siya boring kasama. Na masaya ka sa piling niya.

Maraming lalaki ang nakakalimot ng monthsary. Marami rin namang lalaki ang nakakaalala nga, hindi naman nagiging masaya yung araw nilang dalawa. Kaya ikaw, huwag mong kalilimutang pasayahin at alagaan ang girlfriend mo. Una, kung hindi mo siya kayang patawanin, edi sana hinayaan mo nalang siyang pumili ng iba. Pinili ka niya, at dapat panindigan mong kaya mo siyang pasayahin ng higit pa sa iba.

If you have other tips to make your monthsary happy, approach us and surely, papogi.com will post your tips and advices to be a great boyfriend!