Legit yung kaba kapag aamin na sa nagugustuhan. Naranasan mo na rin bang mag-confess?

"Gusto kita." Ang daling isipin, ang hirap aminin.

Kung tutuusin, parang ang dali lang sabihin ng mga salitang, “Gusto kita.” Ang kaso, yung pag-iisip lang ang madali, pagdating sa moment na yun, tiklop ka na. Ang confusing lang kasi diba? Bakit tayo kinakabahan sa tuwing confession ang gagawin natin? Diba nga, honesty is the best policy? Bakit hindi natin magawang umamin? Ah alam ko na, siguro dahil sa takot na ma-reject tayo kapag umamin na tayo. Pero ano nga bang magagawa natin? Nagkagusto lang naman tayo diba? Masama bang magka-crush?

Isa pa, naniniwala ako na dalawa lang ang patutunguhan ng pag-amin mo. Una ay ang mas lalo kang mahulog sa kanya. Pangalawa ay yung mawawala na ang pagka-crush mo, kasi ang totoo, nachallenge ka lang talaga. Kaya ito na ako, aamin na rin. Tingnan natin kung alin dyan sa dalawa ang patutunguhan ng confession ko.

Crush kita, anes. HAHAHAHHAHA For more blogs, visit papogi.com! Happy reading!