Top3 Facts Must Know About Boys

“Top3 Facts Must Know About Boys”

Marahil kayong mga babae ay naguguluhan sa tunay na damdamin ng lalaki, kung ano laman ng kanilang isipan at kung ano ang kanilang balak sa buhay. Sa unang tingin maiisip mo na walang pangarap sa buhay ang mga lalaki, lango sa alak tambay sa tindahan at computershop at higit sa lahat mahilig sa away. May mga ilang bagay ako na isisiwalat sa inyo tungkol sa damdamin, iniisip at nais nang mga lalaki sa kanilang buhay. Hindi man sila mukang seryoso sa paningin mo ngunit kung magmahal sila ay totoo at handang ialay ang buhay para sa inyo.
when a guy is quiet, he's listening to you
“When a guy is quiet, he’s listening to you.”

Normal na sa lalaki ang maingay sa eskwelahan , sa tabing kalsada, sa computer shop at kung saan man nila maisipang mangbulabog. Ngunit alam niyo ba na pagkausap nila ang girlfriend nila ay tahimik sila? Ayaw kasi nila isipin ng girlfriend nila na binabalewala lang nila ang mga gusto nitong sabihin o iparating. Hindi lang nila ito basta pinapakinggan sa halip ay kanila itong isinasakatuparan. Pasaway man ang mga lalaki marunong sila makinig sa gusto at ayaw ng kanilang kasintahan. Ituturing ka nilang prensesa at ipapadama sayo na ikaw ay mahalaga.

when a guy's calls you every day, he is in love.
“When a guy’s calls you every day, he is in love.”

Ito ang madalas ninyo makita sa isang lalaki, sila ay maraming prioridad sa buhay tulad ng pag-aaral, paglalakwatsa pangtitrip at paglalaro. Ngunit alam ninyo ba na pag sila ay umibig, sa isang tao na lang umiikot ang kanilang mundo? Ang kanilang kasintahan ang kanilang nagiging prioridad sa buhay, ito nalang nagiging dahilan nito upang sumaya , ito ang nagiging insperasyon nito sa lahat ng gagawin nito in-short sa isang tao na lang niya ginugogol ang kanyang oras at panahon. Nais kasi nang mga lalaki na ipadama sa kanilang minamahal na ito ay mahalaga para sa kanila at ayaw nila na mawawalan sila nang oras sa isa’t isa. Sapagkat ang oras ay isa sa pinakamahalagang samya upang mapatibay ang isang relasyon.

A boy makes his girl jealous of other women. A gentleman makes other women jealous of his girl.

“A boy makes his girl jealous of other women. A gentleman makes other women jealous of his girl.”

Sa panahon ngayon ay konti nalang ang tapat at mapagkakatiwalaan lalo na ng mauso ang fuckboy, gayunpaman hindi naman papahuli ang mga matitinong lalaki na handang patunayan sa kanilang kasintahan na totoo ang kanilang pagmamahal sa mga ito. Tinutupad nila ang kanilang mga naipangako upang hindi masira ang tiwalang ibinigay sa kanila. Sinusonod din ng mga ito ang bilin nito at syempre alam na ng mga ito na hindi dapat makipagbarkada o makipagusap sa babae lalo na sa panahong hindi kasama ang girlfriend nito. Hindi man sila nakikita ay napapanatili nilang malinis ang kanilang konsensya at buo ang tiwalang ipinagkaloob sa kanila.

“Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa pinakaaabangang qoutes site sa Pinas, mas nakilala ninyo naba ang katauhan ng mga lalaki? Patuloy na sumubabay at bumisita araw araw para sa mas higit pang qoutes na inyong magugustuhan. Kaya para mapagpatuloy ang magagandang pagbasa ninya Like and Share ang aming BlogSite! And also Visit us on facebook papogi.com then like and share! Thanks!”