Top 10 Tagalog Sad Quotes – That will make you cry!

Sabi nila, “Time heals all wounds”, pero may mga sugat pa din talaga na kahit ilang taon na ang lumipas, hindi pa din gumagaling. Hindi naman kasi lahat ng sugat, makikita sa balat, may mga sugat ding nakatago ng sobrang lalim. Lahat tayo nakaranas ng masaktan, lahat tayo nasusugatan: mga tanga kasi tayo. Aminin man natin o hindi, naging tanga na tayo minsan.
Nagmahal kasi tayo ng sobra, umasa tayo na ang nararamdaman nila na minamahal natin ay katulad din ng nararamdaman natin. Hindi naman kasi natin inakala na hindi pala totoo yung mga sinasabi nila sa atin. Hindi natin naisip na iiwan din pala nila tayo pagkatapos ng mga ginawa natin para sa kanila.
Oo nga pala, para sayo ‘to: Ako yung iniwan mong luhaan nung sumama ka sa iba. Hindi mo kasi inakala na masasaktan ako dahil lagi lang akong nakatawa. Hindi mo naisip na sobrang sakit na ng ginagawa mo kaya ako tumatawa. Hindi mo nakitang lumuluha ako sa likod ng mga ngiting pinapakita nung kasama pa kita. Sana maging masaya ngayong alam mo na, nasasaktan pa rin ako, kahit sobrang tagal na.

Top 10 Tagalog Sad Quotes - That will make you cry! 1

“Hindi naman ako nagbago, “TANGA” pa rin naman ako. ang pagkakaiba nga lang, Noon mahal kita. Pero ngayon hindi na!”

“Tanga pa rin naman ako pagdating sa pagmamahal e, minsan talaga mas okay ng maging tanga para lumigaya kaysa naman matalino nga ako pero hindi naman ako nagiging masaya. Tanga pa rin naman ako, ang pinagkaiba lang, hindi na ako nagpapakatanga sa’yo.”

” Mahirap pag nakalimutan ang dapat tandaan, pero mas mahirap pag lagi mong natatandaan ang dapat mo ng kalimutan.”

“Gustong – gusto na kitang kalimutan kung alam mo lang, kaya lang hindi ko magawa dahil mahal kita. Alam kong madali lang sa’yo na kalimutan ako, pero iba ako. Kahit anong pilit ang gawin ko, ikaw pa rin ang naiisip ko. Kahit san ako tumingin, ikaw lang ang nakikita ko. Pasensya na kung tanga ako, nagmahal lang kasi ako.”

” Balang araw, maaalala mo ako. At sa panahong yun, Nakalimutan na kita.”

“Kung dumating man yung panahon na muli tayong magkita at muli mo akong maalala, makakaasa kang nalimot na kita. Ayaw kong sayangin ang panahon ko sa pagpapakatanga sa’yo. Handa akong kalimutan ka kasi ang sakit – sakit na. ”

Top 10 Tagalog Sad Quotes - That will make you cry! 2

“Sana… Di na lang kita nakilala… masaya naman ako nun e, kahit nung wala ka pa! Di tulad ngayon… Pinapahirapan mo lang ako, alam kong di mo sinasadyang makilala ako. Ako rin eh, di ko sinasadyang mahalog ako sa mga ngiti mo!”

” Hindi ko kailangang magalit sa taong kinailangan akong iwan. Sapat man o hindi ang dahilan, mas mainam ng maiwan kaysa makipagsiksikan.”

Alam kong alam mo kung paano mo ako sinaktan, pero hindi ako galit sa’yo kahit ikaw yung nang – iwan. Anu’t ano pa man ang ibigay mong dahilan kung bakit mo ko iniwan, sapat ng dahilan sa akin yung “ikaw ang nang – iwan.” Nakahanda na akong kalimutan ka. Ayoko kasing ipag – siksikan ang sarili ko sa taong alam kong ayaw naman sa akin.

” Hindi porket iniiwasan kita hindi ka na mahalaga, Mahirap lang talaga pumapel sa buhay ng taong masaya na! :)”

Kung makita mo man na iniiwasan kita, wag kang mag – alala. Hindi naman kasi yun nangangahulugan na hindi ka na mahalaga. Hindi naman kasi basta – basta nawawala ang halaga ng isang taong mahal mo. Umiiwas lang ako sa’yo kasi alam kong masaya ka na, at ayoko ng guluhin ka pa.

Top 10 Tagalog Sad Quotes - That will make you cry! 3

“Sana pwedeng ibalik yung araw na una kitang makita. Di tulad ngayon, na halos hindi mina ako makilala.”

Kung pwede ko lang sana ibalik ang araw na nakilala kita, sana hindi na aq nag – sayang ng oras na mapalapit sa’yo. Hindi ko kasi inasahan na magiging ganito. Kung noon pa lang sana nalaman ko na, kung noon pa lang hindi na kita nakilala, sana di ako nagkakaganito kahit di mo pa ko maalala.

“They always ask me kung mahal pa kita. Sabi ko, “Sobra!” they always reply, “Bakit di mo IPAGLABAN?” Sabi ko naman, “masaya na siya don. guguluhin ko pa ba?”

“Mahirap kasing umepal sa relasyon mong sobrang masaya na. Ayokong ipaglaban ang pagmamahal na alam kong ako lang mag – isa at hindi ka kasama. Saka masaya ka na sa kanya, bakit guguluhin ko pa? kaya mo nga ako iniwan e, kasi mas masaya ka sa kanya. Hindi ko na kailangang pumapel pa.”

“Mas pipiliin kong ako na lang ang masaktan.
Kaysa magkasama nga tayo pero siya naman ang hinahanap ng puso mo.”

“Mas okay na sakin yung maiwang mag – isa dahil alam kong mas magiging masaya ka sa kanya. Hahayaan kita dahil sa hindi kita kayang ipaglaban o dahil sa hindi ka mahalaga. Hahayaan kita dahil alam kong mas masasaktan ako kung siya ang laman ng puso mo at hindi ako.”

Hindi ko kailangan ng taong sisira ng tiwala ako. ang kailangan ko ay yung taong kahit na nakatalikod ako, pinapahalagahan ang tiwalang ibinigay ko.

Sobra kasi ako kung magtiwala, kaya kung magmamahal ulit ako, gusto ko yung taong kahit wala ako sa tabi niya, hinding – hindi siya gagawa ng dahilan para masira ang tiwala ko. Ang tiwala kasi ang pinakamadaling ibigay, pero alam din naman natin na yan ang pinakamahirap ibalik kapag nasira. Kaya kung magmamahal ulit ako, gusto ko, dun sa taong pahahalagahan ako, at yung “tiwala” ko na ilang beses ng nasira.

Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik sa aming Blogs! Marami ba kayong nagustohan? Tama lang yan dahil dito mo maaaring matagpuan ang mga trending at latest news! Kung marami pa kayong gusto abangan sa aming Post patuloy lang pong suportahan ang ating Blogs na Eto 🙂 at wag kakalimutan na i-like ang aming fb.com and Thans You All!