Top 10 Pinoy Patama Love Quotes

There are times na may nangyayaring hindi talaga natin inaasahan. Lalo na pag ang topic ay tungkol sa love? Sigurado, nagkakagulo agad tayo at di na alam kung ano ang gagawin. There are times na may mga dumarating na bago sa buhay natin, at meron din nmang nawawala. Depende na lang talaga sa atin kung paano natin I – aaccept ang mga pagbabagong ito. Dumarating minsan sa atin yung time na kailangan nating mamili sa kung sino ba ang dapat nating samahan.

Naging ugali na din natin na makinig ng mga love songs, magbasa ng love stories at love quotes, at minsan humuhugot na din tayo ng sarili nating quotes. Dun na lang kasi tayo minsan nakakakuha ng pag – asa. Minsan, mas naniniwala pa tayo sa mga quotes kaysa sa payo ng mga kaibigan natin. Dito kasi tayo nakaka – relate, dito tayo nakakakuha ng lakas ng loob.

Kaya naman eto, I prepared some quotes for you na sana, kahit papaano ay maka – relate din kayo.

Hugot Quotes1.Piliin mo yung taong matagal mo na kapiling. Kesa dun sa taong bago lang dumating.

 

Pagdating sa ganyan, hindi mo na naman talaga kailangan pag – isipan. Mas pipiliin mo ba yung taong kakikilala mo lang kaysa sa taong sobrang tagal mo ng nakakasama? Mas magtitiwala ka ba sa taong ngayon mo lang nakita kaysa sa taong kilalang kilala mo na? Well except maybe if the one you’re with just gives you unhappiness. Then siguro, it’s time na para humanap ka ng iba.

Hugot Quotes2.Magkakambal ang PAGMAMAHAL at TIWALA.Di ka pwedeng magmahal kung di mo kayang magtiwala.

 

Tiwala lang naman talaga ang kailangan kung magmamahal ka. With trust kasi, mapipilitan ka maging honest, loyal at kung anu – ano pa. Kung maipapakita mo sa partner mo na may tiwala ka sa kanya, mahihiya siyang gumawa ng kalokohan sa’yo. Maliban na lang siguro kung talagang walang hiya yung partner mo.

Hugot Quotes3.Yung natatakot ka na baka biglang may magbago, kaya mamahalin mo nalang siya ng patago.

 

Eto naman yung para sa mga taong nasa friend – zone. Natatakot ka kasi sa pwede nyang gawin o sabihin na pwedeng magpabago sa relasyon ninyo. Kaya ang ginagawa mo, tinatago mo nalang yung nararamdaman mo. Wala ka kasing lakas ng loob para sabihin yung nararamdaman mo sa kanya. Nakukuntento ka na lang sa kung anong meron kayo ngayon.

Hugot Quotes4.Lahat naman kaya kong gawin para sayo. Hindi ko maintindihan, bakit hindi nalang ako?

 

This one is for those na umaasa pa din na sa mga taong gusto nila. Na minsan nakapag – iisip tayo ng mga bagay na katulad nito, bakit nga ba hindi na lang tayo ang pinili nila? E kung tutuusin naman, kaya din naman nating ibigay kung anuman yung kayang ibigay ng taong pinili nila, kayang kaya pa nga nating magbigay ng mas sobra pa. Pero hindi tayo ang pinili, bakit? Siguro minsan, bago natin itanong sa sarili natin yan, tumingin na muna tayo sa salamin. Kasi minsan, di na importante kung ano yung kaya nating gawin. Minsan mas importante din kung ano yung kaya nating iparamdam sa kanila. Saka minsan, mas pinipili nila kung saan ba sila mas magiging masaya. Tanggapin na lang natin na kung hindi tayo ang pinili, ibig sabihin lang, mas magiging masaya sila sa iba.

Hugot Quotes5.Matututo ka maghintay, dahil hindi lang basta ibibigay sayo lahat ng bagay.

 

May tamang oras para sa lahat ng bagay, kailangan lang nating matuto maghintay. Hindi naman kasi natin pwedeng makuha lahat ng bagay na gusto natin. Minsan, kailangan din natin itong pag – sikapan. Malay natin, baka effort lang pala mula sa atin ang kailangan para makuha natin yung gusto natin.

Hugot Quotes6.Sa panahon kasi ngayon, the more you give, the more you get hurt.?

 

Iba na kasi ang meaning ng pagmamahal ngayon, ang dami na masyadong hinihingi ng mga partner natin. Hindi naman tayo makatanggi kasi natatakot tayong, baka iwanan nila tayo kung di natin sila sundin. Ang problema lang, sa sobrang dami nating pagbibigay sa kanila, tini – take advantage na lang tayo. At dahil dun, mas nasasaktan tayo.

Hugot Quotes7.May pakiramdam na mahal na mahal mo pa siya. Pero sobrang sakit nung malaman mong magkakaanak na sila nung bago niya.

 

Nangyayari din minsan yung kahit gaano katagal na kayong nagbreak, sya pa rin yung laman ng isip mo, at alam mo sa sarili mo na hindi nagbago yung nararamdaman mo sa kanya. Minahal mo kasi sya ng sobra, binigay mo na lahat lahat sa kanya. Kaya nung nalaman mong tuluyan na syang mawawala sa’yo, sobrang sakit sa pakiramdam. Hindi mo matanggap, pero wala ka namang magawa kundi umiyak na lang.

Hugot Quotes8.Hindi naman ako nagiging SENSITIBO. Hindi mo lang kase alam na nasasaktan mo na ako.

 

Minsan akala ng ibang tao na masyado na tayong nagiging sensitive, masaling lang tayo ay nagagalit na agad. Daig pa nga natin yung mga babaeng may period sa pagka – sensitive natin. Hindi naman natin masabi sa kanila kung bakit. Baka kasi wala silang pakialam, at nakakatakot malaman na ang taong minamahal mo ay walang pakialam sa’yo. Kaya hindi natin masabi sa kanila na nasasaktan na tayo sa ginagawa nila.

Hugot Quotes9.Okay lang kung magmukhang MAHIRAP, Kaysa naman magpanggap na MAYAMAN.

 

Mas okay naman talagang magmukhang tambay ka kaysa magpanggap kang mayaman na wala ka namang kayang ipagmalaki. Mapapahiya ka na, magiging social climber ka pa. Hindi naman kasi basehan ang itsura mo para lang matanggap ka ng mga tao. Sa ugali yan pinapakita. Sabi nga, professionalism is not based on how you look or how you speak.

Hugot Quotes10.Magkaiba ang BUSY sa ayaw kang KAUSAPIN.

 

Minsan, may mga tao talaga na makukulitan at makukulitan sa atin. May mga tao kasi na hindi talaga marunong maki – bagay at maki – sabay sa iba’t – ibang ugali ng mga tao. Pagdating naman sa pag – ibig, may pagkakataon na sa sobrang kulit natin, nagdadahilan na lang sila na busy sila para di nila tayo makausap. At may pagkakataon naman na busy lang talaga sila. Tayo na lang ang bahalang magdecide kung busy ba talaga siya o ayaw lang talaga makipag – usap dahil sa kakulitan natin.