Top 10 Patama Quotes

Patama Quotes

Top 10 Patama quotes na sure akong makakarelate kayo nang bongga at mag-aagree. Mga patama na gusto mong iparating sa mga taong minsan eh kailangan mo nang paringgan para makaramdam. Bato-bato sa langit na lang ang matamaan wag magalit. Check out this collection of Top 10 Patama Quotes on the web. Hope you’ll like it!

 

Patama Quotes

“Paboritong linya ng mga kalalakihan: “Iba ako sa kanila!” Bakit? Alien kaba?”

Ito yung mga tipo nang lalaki na kapag nanliligaw palang sasabihin sayo na iba siya sa kanila, kapag sinabi mong baka lokohin ka lang niya. Aba kailan pa naiba sa ibang lalaki eh pare-pareho naman ang mga lalaki madalas manloloko, minsan mabibilang nalang sa daliri ang mga lalaking seryoso. Kung naiba ka sa kanila ibig sabihin ALIEN ka.

Patama Quotes

“Para kang Dessert, ang sweet mo sakin, ang sweet mo sa kanya, ang sweet mo sa lahat. Anong flavor ka? CREMA DE PUTA?”

Ito yung mga lalaking dinaig ang asukal sa tamis nang mga lumalabas sa bibig. Mga lalaking masyadong mabulaklak ang mga salita, hanggang salita lang naman kulang sa gawa hindi lang yun minsan pa ang sweetness nila available para sa lahat unlimited pa.

Patama Quotes

“Kalalaking tao ang landi-landi, bigyan ng panty!”

Yung mga lalaking kung tawagin eh CASSANOVA (Oh, mga wattpaders alam kong alam niyo yan!) ang galing manlandi ng babae. Yung mga lalaking kali-kaliwa ang girlfriend. Kung mag-girlfriend eh akala mo nagpapalit lang ng damit! Jusko maawa kayo sa mga babae.

Patama Quotes

“Pag sinabi niyang pangit ka, sapakin mo agad. Kita na nga, sasabihin pa.”

Ito wala akong masabi dito, ang galing nung gumawa nitong patama na to eh. Kapag sinapak mo yung nagsabi sayong pangit ka, sapakin mo na din yung mag-rereact na “kita na sasabihin pa” para pair. Peace!

Patama Quotes

“Piliin mo yung taong may plano sa future, hindi yung gwapo lang sa Profile Picture

Kung pipili ka nang mamahalin mo dun ka dapat sa alam mong may plano sa future at alam mong magiging maganda ang kinabukasan mo hindi yung lalaking puro pagpapagwapo lang ang alam. Gwapong-gwapo sa porma at picture, tambay naman. Walang alam sa gawin kundi matulog, gumala at magpagwapo. Aba mga hijo maghanap ng trabaho o mag-aral hindi kayo mapapakain niyag kagwapuhan niyo.

Patama Quotes

“Bakit kasi may araw ng mga puso tapos walang araw ng mga utak? Ang dami tuloy TANGA sa PAG-IBIG

Yan tayo eh, kapag kasi nagmahal tayo wag dapat natin ibigay ang lahat. Minsan di na tayo pinapahalagahan at nirerespeto, nakikita kasi nila na sobra mo siyang mahal at hindi mo kaya nang wala siya. Kahit harap-harapan ng niloloko sige padin ng sige. Sa sobrang tanga at pagkamartyr nga mapapa-Ama namin ka nalang. Kaya dapat meron talagang ARAW NG MGA UTAK eh para kahit isang araw man lang hindi maging TANGA SA PAG-IBIG at malaman na dapat pag nagmahal ka puso at utak ang ginagamt hindi puro puso lang.

Patama Quotes

“Ang babaeng puro kalandian ang alam(hindi marunong maghintay), maaga nagiging NANAY!”

Kapag babae ka dapat alam mo ang salitang pakipot at matutong mag-ala-Maria Clara hindi yung ikaw mismo ang dikit ng dikit at habol ng habol sa lalaki, matutong maghintay may tamang panahon para sa kalandian. Kung maaga man naging nanay kung responsable naman eh ayos lang atsaka alam niyo na ang tama at mali malalaki na kayo. Kung kaya niyong panindigan ang mga ginawa niyo sa buhay bakit hindi? Kanya- kanyang trip lang yan at sabay sa agos ng buhay.

Patama Quotes

“Wag kang masyado maging dependent sa kanya. Baka kasi isang araw nasa iba na siya.”

Kapag nagmahal ka matuto kang magtira para sa sarili mo hindi yung ibibigay mo ang lahat-lahat sa kanya. Walang sigurado sa mundo lahat nagbabago, minsan akala mo siya na ang the one, minsan akala mo kayo na hanggang huli, hindi mo alam mahal ka niya ngayon bukas may mahal na siyang iba. Kaya kapag nagmahal ka dapat alam mo ding mahalin ang sarili mo para kung dumating man ang panahon na nasa piling na siya ng iba hindi sobrang sakit. At kung lumipas man ang mahabang panahon at hanggang dun eh kayo padin ibig sabihin siya na talaga ang the one for you. (Sana all.)

Patama Quotes

“Dear Crush, Pahiram ng puso mo huh! Ipanghihilod ko lang bato eh!”

Kapag may crush tayo minsan yung crush natin masyadong snob, at kahit na alam naman niyang crush mo siya eh parang balewala lang sa kanya. May puso nga bato naman kung hindi naman thank you nalang ang kapalit ng pagkacrush mo sa kanya, saklap bes. Move on nalang tayes, crush palang naman wala tayong magagawa sa bato ang puso at di makaramdam. Konting trivia lang: kung bato ang puso niya try mo pakuluan baka sakaling lumambot at maramdaman niyang crush mo siya.

Patama Quotes

“Ipagsiksikan mo na ang sarili mo sa LRT, wag lang sa taong di ka mahal.”

Minsan kapag may mahal tayo ginagawa natin ang lahat para lang mahalin tayo ng taong mahal natin. Hindi dapat ganun, kapag alam mong hindi ka mahal ng mahal mo wag mo nang ipagsiksikan pa ang sarili mo sa kanya. Hindi ka niya mahal eh wala na tayong magagawa dun. Bihira lang maganap ang himala kaya malayo sa katotohanan yung sinasabi ng iba na “darating ang araw na mamahalin ka din ng taong mahal mo.” Sa LRT at sardinas lang uso ang siksikan, wag ka nang makiuso.

If you have your own Patama Quotes, feel free to share it with us and we will be delighted to have them featured here at Papogi.com Let us inspire more readers. For more updates, you can also Visit and Like our Facebook Page Papogi.com