Top 10 Brokenhearted Qoutes 2018

pexels-photo-674268 (1)

1.”Nakakatakot na maging masaya. Baka kase mamaya, umiiyak kana.”

Yung tipong ang saya saya mo tapos mayamaya. Tatahimik ka. Malulungkot ka. Mga advance na kase tayo mag-isip. Haha. Hangga’t hindi pa dumadating. Enjoy mo nalang habang wala pang nangyayare na ikalulungkot mo. Hindi naman habang buhay masaya e. Syempre may mga oras at panahon din na malungkot at masasaktan ka. Sa buhay pag-ibig man o hindi. Basta ba. Pag dumating yung araw na yun. Maging handa ka lang at maging matatag.

2.”Oh gutom ka pa? Di pa ba sapat mga kinain mong pangako?”

Tama naman. Wag kang magbibitaw ng mga salita na hindi mo kayang panindigan. Dahil sa likod ng mga salita mong binitawan, may mga taong masasaktan. Kung sumusuko kana, kung pagod ka ng makisama. Sabihin mo nalang sa kanya. Hindi yung mangangako ka tapos hindi mo tutuparin. Masakit sa isang tao ang ganong sitwasyon.

3.”Hawakan mo lang sana ako ng mahigpit, sabay tayong lalaban at kakapit.”

Sarap sa ears! Kung mahal nyo talaga ang isa’t isa. Hinding hindi kayo magpapatalo sa mga problemang dumadating sa inyo. Sabay nyong haharapin. Ganon. Walang maiiwan. Walang mauuna. Sabay nga diba? Haha. Walang mahirap na problema. Sa dalawang taong nagmamahalan at parehas lumalaban.

pexels-photo-1062280 (1)

4.” Itawa mo nalang ang sakit.”

Dyan naman tayo magaling e. Yung kahit sobrang nahihirapan at nasasaktan kana. Nakukuha mo pa ring ngumiti sa harap ng maraming tao. Ni hindi nila nalalaman na sa bawat ngiti mong yun, sobrang durog na durog kana. Akala nila okay ka. Akala nila wala kang problema. Akala nila, masaya ka talaga. Akala nila hindi ka nasasaktan. Hindi nila alam na konte nalang bibitaw kana. Walang nakakapansin sayo na nahihirapan kana. Pero wala e, sarili mo lang din naman ang makakatulong sayo. Sabe nga nila. Walang binibigay si Lord na problema, na hindi mo kakayanin!  Kaya, KAYA MO YAN! TIWALA LANG.

5.”Hindi tao ang nanakit satin. Kundi ang sarili nateng expectation.”

Sa bawat pag-eexpect mo. Doble ang balik na sakit nun sayo. Umasa ka. Nasaktan ka. Nasaktan ka ng wala syang kaalam alam. Nasaktan ka na ikaw lang yung nakakaalam. Masyado kang umaasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Yung tipong para sa kanya. Wala lang yun, nagbibigay sya ng motibo na mahal ka nya. Pero at the end of the day. Kaibigan kalang para sa kanya.

6.”Kung dika para saken ayos lang.”

Minsan naiintindihan mo naman talaga ang isang bagay, ayaw mo lang tanggapin. Andame kaseng tao ngayon na kahit ayaw sa kanya nung tao. Pinipilit pa tapos magdadrama sa facebook? Bakit di nyo nalang tanggapin na hanggang dun lang kayo? Minsan kailangan mong tanggapin ang katotohanan na hindi sya para sayo. Matuto kang maglet go. Masakit tanggapin ang katotohanan pero mahirap magbulag-bulagan.

pexels-photo-1213997 (1)

7.”Ang hirap masanay sa mga bagay na alam mong pweding mawala.”

Yung feeling na sya yung bumubuo ng araw mo, sya na yung nagsisilbing mundo mo at nasanay kana sa kanya sa lahat, nasanay ka na lagi mo syang kausap, kakulitan at kasama sa lahat. Pero mapaglaro talaga ang tadhana. Kahit sobrang okay nyo na sa isa’t isa. Dadating at dadating talaga sa puntong hindi pagkakaintindihan. Yung tipong kahit sobrang liit ng pinagtatalunan nyo. Mauuwe lang lahat sa hiwalayan.

8.”Binalewala mo sya tapos kapag nakita mo syang masaya sa iba. Masasaktan at magagalit ka.”

Yung feeling na nasayo na sya. Nasayo yung atensyon nya, pagmamahal nya. Pero ikaw. Binabalewala mo lang sya. Hindi mo ba alam na masakit yun para sa kanya? Na balewalain ka ng taong mahal na mahal mo? Sinasaktan mo yung taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka. Binitawan mo lang yung taong anjan parati para sayo? Hinayaan mo lang sukuan ka nung taong parating lumalaban para sa inyo?
Binalewala mo lang yung taong nagmamahal sayo ng totoo? Congrats. Mas tanga ka!

9.”Hindi mo alam kung gaano kahirap para sakin ang hindi ka pansinin.”

Minsan kailangan na rin nateng iparamdam sa mga taong mahal naten na kaya naten kahit wala sila.
Lalo na kung sila yung unang nambalewala. Mahirap pero dapat kayanin. Kailangan nateng magpanggap na kayang kaya naten, na sa tingin nila sobrang strong mo. Pero hindi nila alam na ang bigat na nun para sayo.
Na kailangan mong magtiis. Hindi naman kase pwede na kahit sobrang mahal mo yung
isang tao, kahit nasasaktan ka na nya. binabalewala kana. Mananatili ka pa rin. Minsan kailangan mo ring magpahinga. Nang malaman nya yung halaga mo para sa kanya.

10.”Bakit hindi ako ang pinili mo?”

Bakit hindi ikaw? Kase siguro simula’t sapol, iba na talaga ang kumukumpleto ng kulang
sa puso nya. No choice lang sya, kaya naging parte ka ng buhay nya, PANSAMANTALA.
Masakit ang hindi tayo piliin ng taong mahal natin. May ganyan naman kaseng mga tao e. Sa una ikaw yung mahalaga. Pero pag may nakilala nang iba. Wala na. Kasabay ng pagbabago nya ang pagbabago ng feelings nya para sayo. Kasi kung minahal ka nya talaga, hindi na nya kelangang pumili pa. Kung mahal ka nya talaga. Ikaw lang talaga.

 

loading...