“Top 10 Best Hugot Lines Para Sa Sawi Sa Pagibig”

“Top 10 Best Hugot Lines Para Sa Sawi Sa Pagibig”

Bitter? Dumadami sila kasi nasasaktan sila, sabi nga mas mabuting ilabas ang mga hinanakit at mga sama ng loob kesa itago ito at sarilihin lang ang sakit na nararamdaman. Sa pagkikimkim ng galit maaring magsanhi ito ng pagpapakamatay ng isang tao ngunit kung mailalabas mo ang mga sama loob mo sa pamamagitan ng mga hugot lines for sure mababawasan ang sakit at matuturn to laugh trip ang usapan. May mga ilang hugot lines akong ihinanda kung saan maging ako ay nakakarelate pwede ring sabihing own experience eto. Hope matulungan ko kayo na makamove on o kung paano tanggapin na wala na siya.

Top 10 Best Hugot Lines Para Sa Sawi Sa Pagibig

“Mabuti pa ang linya ng telepono namin nung nawala, bumalik. ei ikaw?”

Ang iwan tayo ng taong  mahal natin ay isa sa pinakamasakit na karanasan sa mundong ito, ngunit masasabi kong hindi mabubuo ang pagiging tao mo o hindi mo masasabing nagmahal ka kung hindi mo naranasang masaktan. Oo hindi tamang saktan ka niya ngunit hindi rin naman siguro magiging tama kung sa isang tao mu lang itutuon atensyon mo. Move on ka nalang kasi ikaw lang rin ang masasaktan kung patuloy kang  aasa ka sa bagay na walang kasiguraduhan.

“Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, hindi kita iiwan, hindi kita susukuan. Kung may 100 na dahilan para iwan ka, hahanap parin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.”

Oo hindi masamang magmahal ngunit ang pagmukhaing tanga ang sarili kahit alam mong niloloko kana, wag ganun matuto kang mahalin sarili mo matuto kang magtira para sayo. Ngunit kailangan paring magkoroon ka ng matibay na ibedensya mahirap kasi yung magbibintang ka o maghihinala ka kalang na wala kang patunay na niloko ka, promise ikaw pa ipapahiya niya kasi ang manloloko maraming baong palusot yan, kaya be aware matuto kadin magbantay sa karelasyon mo. Kung madami na nagsasabi sayong hindi na siya good for you aba magisip isip kana bes! kasi kahit gaano mo siya kamahal ngunit hindi ka naman niya pinapahalagahan iwan mona lang, para sayo din naman para hindi ka masaktang ng lubusan.

Top 10 Best Hugot Lines Para Sa Sawi Sa Pagibig

“Kapag nakita mong masaya ang ex mo sa iba, huwag ka malungkot. Lagi mong ilagay sa utak mo na mukhang clown kasama niya.”

Karamihan sa mga iniwan sobrang nasasaktan at nagpapakabitter lalo nakapag nalaman nilang si ex may iba na or dahil pinagpalit sila sa iba, ok lang lang masaktan ka ngunit hindi naman ibig sabihin magpakalulong kana sa sakit na iyong nadarama. Bigyan ko kayo idea kung paano mo matatanggap ang kaniyang ginawa, be happy for him hindi dahil sa sinaktan ka niya ngunit dahil sa mahal mo siya. Alam mo kung bakit? Kasi kung mahal mo talaga magiging masaya ka kung san siya masaya, mas mabuti na nga yun eh na iniwan ka niya sapagkat mas masasaktqan ka kung ipagpapatuloy ninyo ang relasyon ninyo na hindi na siya masaya, tandaan ang sakit na yang ang magpapatatag sayo.

“Kailangan ipaglaban mo. Huwag ka ng mag-antay na may magtulak pa sa kanya pabalik sa’yo. Hilahin mo, hangga’t kaya mo.”

If you think naman na may pagasa pa kayo na mahal ka pa niya, hindi naman masama kung  magbabakasakali ka na may chance pa kayo. Mapababae ka man o mapalalaki if you think na hinihintay kalang niya magsorry make a move na agad huwag patumpik tumpik pa boom kara karaka. Hindi naman importante ang pride sa pagmamahal kasi ang pride isa yan sa dahilan kung bakit maraming relasyon ang nasisira.

Top 10 Best Hugot Lines Para Sa Sawi Sa Pagibig

“Hindi mo kailangan magbulag-bulagan, magbingi-bingihan o magpakatanga, kung ang mahal mo ay may mahal ng iba.”

Sa sitwasyong ganito if alam mo nang niloloko kana aba magreact ka naman hindi yung ipinapadama mo sa kanya na ok lang na lokohin ka niya kasi sobrang mahal mo siya. Inuulit ko “ hindi masama ang magmahal ngunit magtira ka naman sa sarili mo” kung sa oras na mag BF/GF palang kayo nagloloko na siya how much more kung asawa mon a? so maguuwi pa siya nang kabit niya tapos ok lang sayo? Kung may iba siya iwan mon a o hayaan mon a siya kung mahal ka niya hindi siya hahanap iba or magsstay siya sayo kasi ayaw niya masira tiwala mo kasi nga mahal ka niya.

“Sa dinami-dami ng ipinako mo, sa hindi kita iiwan ka pa sumablay.”

Oo tao lang tayo nagkakamali at hindi perpekto ngunit hindi ito sapat na dahilan upang mangako tayo ng mangako at hindi natin tutuparin. Sapagkat ang papangakuan mo ay tao rin naman may damdamin, nasasaktan, umamasa at nagmamahal if hindi kaya tuparin wag nalang mangako sapagkat ang pangako ay isa sa pinakamahalagang sangkap sa pagmamahal hindi sa pagpapaasa sa damdamin ng ibang kung magmahal ay sobra.

Top 10 Best Hugot Lines Para Sa Sawi Sa Pagibig

“Mabuti pa ang tour guide alam na alam ang patutunguhan, pero ang relasyon natin walang patutunguhan.”

Kung ang relasyon ninyo sa palagay mo ay walang patutunguhan huwag mo ng patagalin pa, diba? Kung palagay mo wla ng spark puro away nalang kinahahantungan aba naglolokohan nalang kayo dalawa. Kung hindi na kayo magkasundo at kung hindi kana masaya bakit patatagalin pa? Para san pa? Para masaktan ka? Para umasa ka na magiging masaya pa kayo? Hihintayin mo pa bang humanap siya ng iba habang kayo pa? at ipamukha niyang niloloko kalang niya o hihiwalayan mon a siya at pipiliing maging masaya kahit magisa?

“Aanhin pa ang tiwala, kung puro ka hinala?”

Hay nako nagmahal kapa kung wla ka tiwala, paano mo masasabing mahal mo kung hindi mo kaya pagkatiwalaan ang taong mahal mo? Ang pagmamahal kalakip niyang ang pagtitiwala, pagtitiyaga at pagsasakrepisyo para sa taong mahal mo. Kung mahal mo matuto kang sumugal magtiwala ka sa kanya masaktan ka man o hindi nagmamahal tayo upang maging masaya ngunit hindi tayo nagmamahal upang mahalin pabalik. Ang tunay na nagmamahal ay hindi naghihintay ng ano mang kapalit.

Top 10 Best Hugot Lines Para Sa Sawi Sa Pagibig

“Kaya ko naman mabuhay ng wala ka, pero mas kompleto at masaya kapang andito ka.”

Sino ba naman ang mamaamtay pag wala mga taong minsan lang dumating sa buhay natin? Diba wala naman depende nalang din sayo kung magpapakamatay ka. Oo masakit ang iwan sapagkat noong una naman na wala siya masaya kana ei ngunit mas nagging masaya ka nung dumating siya kasi may nagaalaga sayo may nagmamahal sayo at mag nagaalala para sayo. Tunay ngang kawalan ang mawala siya o iwan ka niya sa ere gayong mahal mon a siya at masaya kana sa kanya. Ngunit maari din namang maging masaya ka muli sa piling ng pamilya mon a lagging nariyan para sayo diba sa mga kaibigan mo na handa kang damaya sa bawat pagsubok na iyong kakaharapin. Sapagkat wala pa man siya ay nariyan na ang magulang mo kaibigan mon a handing damayan ka sa bawat oras na kailangan mo sila.

“Hindi tanga ang taong nagmamahal ng sobra. ang tanga ay yung taong minahal mo na ng sobra nakuha pang humanap ng iba.”

Sa tingin ng mga tao ang tanga ay yung nagmahal ng sobra sapagkat sa way na sinasaktan siya ng taong inaasahan niyang mamahalin ay mas minamahal pa niya ito ng walang hiinihintay na kapalit. Ngunit bakit gayon ang tingin ng mga tao hindi ba nila pansi n na ang mas tanga sa dalawa ay ang minahal ng sobra ngunit nakuha pang humanap ng iba? Para ano hanapin ang mga bagay na wala sa taong nagmahal sa kanya ng sobra kaya hinanap niya sa ibang tao? Kung iisipin wala na siyang pagkukulang kasi ang taong nagmamahal ng sobra ibinibigay ang lahat lahat para sa taong mahal nila hindi sila nagtitira para sa sarili nila. Sapagkat iniisip nila na sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal at pagpapadama nito sa taong mahal niya ay mamahalin din siya nitong pabalik. Tunay ngang ang nagmamahal ay hindi naghahanggad ng kapalit ngunit hindi rin naman masama na naisin mong mahalin Karin ng taong mahal mo.

“Salamat sa pagbisita sa pinakaaabangang blog site sa Pinas,  may nakuha ba kayong strategy kung paano kakamnove on kung paano paano madaling mkakalimot at mareresist ang sakit na dulot ng kaniyang pagalis. Nagustuhan niyo ba ang topic natin? Patuloy lang na bisitahin ang blogsite na to para sa update o kaya naman bisitahin ang aming FB page papogi.com.”

Please LIKE and SHARE, but don’t forget to SMILE 🙂
Thanks!