Tips Para Mapansin ka ni Crush

Hindi ka ba pinapansin ng crush mo? Gusto mo bang mapansin ng crush mo? S’yempre dapat OO ang sagot mo. Wala naman sigurong tao na ayaw mapansin ng crush nila. Kaya naririto ang ilang tips para mapansin ka ni crush.

papogi.com-Tips Para Mapansin ka ni Crush-1

1. Be Simple and Unique

Hindi mo na kailangang magpaka-arte sa iyong sarili para lang mapansin ka ng crush mo. Learn how to dress according sa style na gusto ng crush mo and at the same time
comfortable ka sa sarili mo.

2. Be Confident and Attractive

Maging confident ka sa sarili mo. Huwag kang pahiya-hiya at dapat attractive ka rin. Maging maayos sa pananamit pero dapat kagaya ng sinabi ko sa #1 simple lang at comfortable
ka sa sarili mo. S’yempre hindi ka lang dapat sa pananamit attractive, dapat sa buong katawan mo na rin. Mas nakakadagdag ng self confidence kapag attractive ka.

3. Be Interesting

Kung noon ay wala kang ginagawa, or hindi mo inilalabas ang iyong natatagong talent. Pwes ngayong may crush ka na, kailangan mo na itong ipakita at ilabas sa sarili mo. Kung si
crush mo naman ay interested sa mga activities na alam mo, mas malaki ang chance na mapapansin ka n’ya. Ang mga taong may talen ika nga ay mas malaki yung chance na
mapansin ng crush nila.

papogi.com-Tips Para Mapansin ka ni Crush-2

4. Be Nice and Friendly

Maganda rin ito kung gagawin mo. Kung mabait ka tapos friendly ka pa may malaking chance na mapapansin ka ng crush mo. Masama kung ikaw ay hindi palakaibigan or masungit,
big turn off ito sa iyong crush. Halos lahat naman ng tao ay gusto ng mabait at friendly na kaibigan. Malay mo dahil sobrang bait mo ma-inlove sa iyo si crush mo. Just be natural
lang, wag mo sobrahan pagka-friendly mo to the point na namemwersa ka na ng tao just tp impress your crush.

5. Make an effort to know more about him/her

S’yempre kailangan din nating malaman kung sino ang crush natin. Para maacomplish ito ay kailangan natin ng internet or personal connections sa mga close kay crush. Kailangan
nating i-stalk si crush o kung hindi naman ay magtanong sa mga malapit sa kanya. Alamin natin yung likes and dislikes n’ya. Kung mang-i-stalk ka kay crush huwag naman yung sobra
sobra. Creepy kaya tingnan kapag ganun.

papogi.com-Tips Para Mapansin ka ni Crush-3

6. Spend time with him/her

Mahalaga rin itong tip na ito para mapansin ka ng crush mo. Kung may chance ka na malapitan s’ya, go ka na. Spend some time with him/her lalo na kung close kayo. Sa paraang ito
mas mapapalalim pa ang bond ninyong dalawa at makakagawa pa kayo ng memories. Magkwentuhan kayo ng kahit ano na comfortable s’ya. Pwede mo siyang ayain sa friendly
date o pasyal pasyal lang. Maybe kung lagi mo s’yang kasama he/she will be comfortable with you to the point na pwede na kayong mag open up sa isa’t isa. But it’s either i-reject ka
o i-accept ka niya.

7. Be a friend and a listener

Hindi naman porket crush mo ay tititigan mo lang diba. Lalo na kung friends kayo. Help him/her kung may probleaa siya para naman gumaan ang loob n’ya. Nakatulong ka na,
nakasama at nakausap mo pa. Pero alam mo ba, kadalasan ang gumagawa nito at nafi-friendzone. Ang sakit pag ganun. Pero wag kang mag-alala, mas mahalaga na yung
nakatulong ka at napagaan mo ang pakiramdam n’ya. Di ka n’ya makakalimutan kapag natulungan mo s’ya.

8. Trust one another

Yes! Kahit hindi pa kayo dapat pagkatiwalaan n’yo na ang isa’t isa. Kung may problema kayo, pagkatiwalaan n’yo pa rin ang isa’t isa at kung may mangyari man na masama,
pagkatiwalaan nyo pa rin ang isa’t isa. Pero tandaan mo ah, hindi dapat lahat ng tao ay pinagkakatiwalaan, gamitin mo rin ang sarili mong utak or pag-iisip kasi minsan yung iba ay
ginagamit lang ang mga taong may crush sa kanila, pag nakuha na nila ang gusto nila ay kakalimutan na nila sila.

Subukan mong gawin itong mga tips na ito, baka gumana at mapalapit ka sa crush mo. Basta tandaan mo tips ko lang ito, ikaw talaga ang gagawa ng paraan para mapansin ka ng
crush mo.

Kung sa tingin mo ay nakatulong ako sa iyo, visit us at papogi.com for more quotes and hugot lines

loading...