Tips Para Maging Successful ang Iyong Dream Date

Ang awkward minsan kapag may ka-date ka diba, lalo na kung first time. Sure ako para sa mga first time, wala pa kayong masyadong alam kung paano maging successful ang iyong romantic dream date. Magsisilbi  itong most memorable moment kaya dapat maganda ang kalalabasan nito. Para hindi maging epic fail ang iyong dream date, naririto ang ilang mga tips para maging successful ang iyong dream date.

papogi.com-Tips Para Maging Successful ang Iyong Dream Date-1

1. Gesture

Huwag mong hahayaan na siya ang magbubukas ng pinto sa kanya, ipagbukas mo s’ya ng pinto at kung sakay naman kayo sa sasakyan, kapag bababa na s’ya ay alalayan mo at gawin mo yung inaayos ang upuan kapag uupo na siya. In other words, be a gentleman.

2. Compliment

Purihin mo kung gaano s’ya kaganda sa araw ng date ninyo. Purihin mo s’ya sa lahat ng parte niya mula ulo hanggang  paa, pero dapat hindi ka mamumukhang nambobola. Kasi kung mas maganda s’ya sa araw ng date n’yo, pinaghandaan talaga niya iyon. Pero kahit anong suot pa n’ya or itsura, purihin mo parin siya.

papogi.com-Tips Para Maging Successful ang Iyong Dream Date-2

3. Wag mong paghintayin ang iyong ka-date

Be mindful sa oras. Huwag mong paghintayin ang iyong ka-date. Pangit kapag babae ang naghihintay. Kaya kapag sinabi mong 8 a.m. kayo magkikita sa tagpuan ninyo be there 30 minutes earlier or in other words dapat mas mauuna kang dumating sa tagpuan ninyo.

4. Off-limits sa cellpone

Bawas bawasan ang pagce-cellphone kapag may ka-date ka or kung maaari ay iwasan mo ang pagtingin sa iyong cellphone. Show some respect sa ka-date mo. Dapat ang pinagtutuunan mo ng pansin ay
ang iyong ka-date lamang at wala nang iba.

papogi.com-Tips Para Maging Successful ang Iyong Dream Date-3

5. Maging maayos sa sarili

Be in your best attire! Para masabi rin na naghanda ka sa date na iyon. Pero dapat nakadepende sa pupuntahan ninyo ang iyong isusuot. Basta, ang kailangan ay ikaw lang ang gwapong nakikita niya.

6. Mag-offer ka na ikaw ang magbabayad

Syempre bilang lalaki na nagyaya ng date or kahit niyaya lang, you must be the one who will shoulder the bills na iyong babayaran. Wag ka na ring magpa-split bill, ipilit mo na ikaw na lang ang  magbabayad. Ilibre mo siya.

7. Siguraduhin mong safe siyang makakauwi.

Kahit wala kang sariling sasakyan, mag offer ka pa rin na ihahatid mo siya sa pintuan mismo ng bahay nila. Tandaan mo, hiniram mo lang siya sa pamilya niya ng ligtas kaya dapat ibabalik din mo siya ng ligtas.

Kaya kung gusto mong maging successful ang iyong dream date, sundin mo lang ang mga tips na ito.

For more hugot and quotes visit us at papogi.com

loading...