Tamang Banat/Hugot Quotes

Kumusta mga Pips? Nag – eenjoy ba kayo diyan? Tuloy – tuloy lang tayo sa pag – like at share. TINK U BIRI MATS. Hehehe.

Hindi ba nakakasawa na din minsan yung puro ka – sweetan o puro malungkot na lang lagi ang nababasa at naririnig natin? Parang ang sarap batuhin nung mga dumadaang akala mo wala ng bukas kung mag – akbayan. Aba’y, mga HOYYY!!! Walang POREBER!!! Hehehe… hindi, joke lang. Medyo seseryoso muna tayo ngayon mga Pips. Ganito kasi yun.

patama quotes

1.Ang love parang pananim. kahit anong alaga mo, may peste at salot pa ring sisira

Kahit gaano pa natin alagaan ang relasyon, hindi talaga mawawala yung mga anay na sumisira sa isang magandang samahan. Yung tipong inlove na inlove kayo sa isa’t isa tapos bigla na lang may eekstra. Aba hoy, maghanap ka ng sa’yo. Matuto ding mahiya minsan. Alam mo ng may boypren, liligawan mo pa? sasabihin mo mas madaling mahuli yung manok na nakatali? E kung yung muka mo itali ko? Hindi manok ang babae para hulihin mo. Siyet!!!

patama quotes

2.Yung eksenang ang bilis ng panahon ngayon noh? kanina mahal ka pa nya, maya maya may kalandian nang iba

 

Baka naman kasama ka sa mga taong walang laman ang bulsa, brods? E kung ganun, MAGSUMIKAP KA!!! May mga babae kasi talaga na ganyan, simplehan tayo mga brods, MATERIALISTIC ika nga. Pero dalawa lang naman talaga yan brods; una, materialistic yung gf mo at pangalawa, baka sawa na siya sa mga pangako mong nakalista sa tubig. Kung yung una ang dahilan, maghanap ka ng iba. Hindi nman lahat ng babae e mapaghanap ng materyal na bagay. Kung yung pangalawa ang problema mo, e mag – isip isip ka na brods. Nasa ‘yo na ang problema.

patama quotes

3.Iwasan ang mgpaasa ng tao,dahil baka dumating ang isang araw ang akala mo nandiyan pa sya na “umaasa”sau, yon pla ikaw na lang ang UMAASA SA KANYA ):

 

Huwag na huwag nyong paaasahin yung taong mahal na mahal n’yo mga brods. Baka isang araw magsawa na lang sila bigla kasi ni isa sa mga sinabi mo sa kanya, hindi mo ginawa. Dapat mga brods, matuto tayong tumupad sa mga pangako natin. Bilang isang lalaki, dapat meron tayong isang salita. Pangako man o hindi, once na may sinabi tayo, gawin natin. Lalaki tayo e, responsibilidad natin sa babae yun.

patama quotes

4.Baket naimbento ang MONTHSARY? kasi karamihan ng may relasyon hindi na umaabot ng ANNIVERSARY..

 

Di naman talaga kailangan ng monthsary e, kaartehan lang yun. Kung talagang seryoso tayo sa isang relasyon, wag nating ipagmalaki na naipagdidiwang natin yung monthsary. Bakit ‘ika mo? Kasi, kung talagang mahal mo ang isang tao, mas magiging masaya ka kung taon ang itatagal ng relasyon n’yo. At mas masaya kung yung anniversary nyo, e maabot pa ng mga apo n’yo. Gets mo?

patama quotes

5.Nagsisimula na naman ako mangamba..Natatakot ako baka mawala ka.

 

Aba’y nakakatakot talaga yun. Kahit sino naman siguro sa atin, natatakot mawala sa atin yung taong mahal natin. Pero kung may tiwala kayo sa isa’t isa, bakit kailangan mo pang matakot? Ang importante, gawin mo lahat ng makakaya mo para hindi siya mawala sa’yo. Pero kung sa kabila ng lahat ng ginawa mo para sa kanya ay iniwan ka pa din, huwag kang malungkot brods. Dapat maging masaya ka, kasi napatunayan mo sa sarili mo na hindi ikaw ang dahilan at nawala sya. Aprub?

patama quotes

6.Naalala ko ang mga araw na sinabi mu sa akin “MAHAL KITA”… naalala ko nung sinabi mu na “I’LL NEVER LET YOU GO” pero higit sa lahat,

 

hindi ko makakalimutan ang araw nung sinabi mo na ayaw muna.

Ampalaya ka brods, pero di ako magpapaka – ipokrito para sabihing di ako nakaramdam ng ganito. Lahat naman tayong mga lalaki e nagiging sentimental paminsan – minsan. Masarap sa pakiramdam na sabihan tayo ng mahal natin na mahal nya tayo, totoo. Lalo na kung sasabihin n’yang hindi hindi nya tayo iiwan. Pero ang sakit naman talaga kung sabihin sa atin ng mahal natin na ayaw na nila. Pero mas masakit malamang ayaw na nila, dahil di pa rin pala tayo sapat para kanila. Tisyu brod?

patama quotes

7.Ang pagmamahal ay para sa dalawang tao lang, ewan ko ba kung bakit may mga malalanding di marun0ng magbilang.

Bakit nga ba may mga lalaki ding malandi? Alam na ngang may boypren na, aali aligid pa din. Wag ganun brods, daig mo pa ang stalker sa ginagawa mo. Kung gusto mo talaga ang syota ng barkada mo, intayin mong magbreak sila. Huwag kang gumawa ng paraan para magkasira sila. Duwag lang gumagawa nun. Gusto mo suntukan na lang e, o, ano? Hehehe…

patama quotes

8.Ang tunay na lalake nagbabago para sa babae, hindi yong pabago bago ng babae.

Tama yun brods, wag kang Pakboy. Sagwa – sagwa ng fes mo. Aanhin mo ang gwapong mukha, kung ginagamit mo lang din naman sa pangloloko? Mahiya ka sa balat mo. At kung pangit ka naman, pero dami mong chicks, WOW!!! Aylabyu na… siyet!!! Mahiya ka sa mukha mo. Anong gusto mo, away o gulo?

patama quotes

9.Kung hindi mo kayang PANINDIGAN, wag mo na lang UMPISAHAN. Para wala ng MASAKTAN.

 

Kung may gusto kang ligawan, ituloy mo lang, pero kung masyado kang mapili, wag na lang brods. Manliligaw ka pero may reserba ka, wag ganun brods, isa – isa lang. Makakasakit ka lang sa ginagawa mo. Kung manligaw ka at sagutin ka, panindigan mo. Hindi yung may gf ka na, iiwan mo pa at maghahanap ka ng iba. Bad yun!!!

patama quotes

10.Minsan kahit ilang beses pang sabihin ng utak mo na “TAMA NA” pilit parin sinasabi ng puso mong konteng tiis pa.

 

Nagiging tanga talaga tayong mga lalaki minsan pagdating sa pag – ibig e. Lalong lalo na kung mahal na mahal natin ang isang babae. Di lang naman kasi babae ang marunong masaktan, tayo din, MINSAN. Kahit sobrang nasasaktan na tayo, kumakapit pa din tayo sa paniniwalang magiging okay din ang lahat. Di ba mga brods?