Tagalog Quotes para kay Crush

Quotes para kay Crush

Crush ang tawag sa taong nagugustuhan natin yung taong nagbibigay ngiti sa atin sa bawat araw. Ngunit ang crush ay kaiba sa Mahal dahil ang crush ay tumatagal lang ng 4 months kapag lumagpas na dun ibig sabihin mahal mo na siya. Isa pa pwede ka magkaroon ng maraming crush pero ang mahal dapat nag-iisa lang. Here’s a collection of Tagalog Quotes para kay Crush na sa tingin ko ay marami sa inyo ang makakarelate. Hope you’ll like it!

 

Tagalog quotes para kay crush

“Akala ko sa ‘H’ nagsisimula ang Happiness, sa ‘U’ pala”

Kapag may crush tayo halatang-halata sa atin dahil iba ang ngiti natin lalo na kapag nasa malapit lang si crush. Nagiging masaya ang bawat araw natin sa tuwing nakikita natin si crush. Siya ang nagsisilbing happiness natin bukod sa pamilya at kaibigan.

Tagalog quotes para kay crush

“Sabi ni Peter Pan when you think of happy thoughts you’ll fly, eh bat pag naiisip kita I fall?”

Si crush ang isa sa dahilan kung bakit nagmumukha kang tanga lalo na kapag kachat o kausap mo siya. Iba yung saya at kilig kapag nasa malapit lang siya. At sa bawat araw na lumilipas lalo lang tayong nahuhulog sa taong tinuturing nating crush. Kapag may crush ka hindi ka lang nahuhulog para sa kanya kundi mararanasan mo din yung feeling na lumilipad ka.. eh kasi sobra yung kilig na pinaramdam niya sayo.

Tagalog quotes para kay crush

“Pizza ka ba? Crust (CRUSH) kasi kita eh!”

Ang CRUSH parang pizza may mga panahong gustong-gusto mo, may mga panahon namang naumay ka na kasi  kahit anong gawin mo hindi ka naman niya pinapansin.

Ang CRUSH parang pizza sa isang mamahaling pizza house or restaurant, kahit gaano mo kagusto HINDI MO AFFORD. Hindi mo kasi siya mareach, nandun siya sa pinakatuktok habang ikaw nasa pinakang dulo at walang kasiguraduhan kung mapapansin ba niya. Ito yung feeling nang magka-crush sa isang IDOL, kahit gaano mo siya kagustong maabot hanggang tingin ka lang kasi nandun siya limelight habang ikaw naman nasa malayo at madilim na sulok ng entablado.

Tagalog quotes para kay crush

“Makita lang kita, buo na araw ko, kausapin mo pa ako edi nasa alapaap na ako.”

Kapag si crush ang unang makikita sa umaga talaga namang nakakabuo nang araw. Abot langit ang ngiti lalo na kapag kaharap siya. Paano pa kung kausapin ka na niya, talaga namang pakiramdam mo nasa alapaap ka na. Ganyang feeling ang kayang idulot ng crush sa isang tao.

Tagalog quotes para kay crush

“Pag si crush ngumiti, kumikinang ang buong paligid.”

Ang crush ang nagbibigay inspirasyon sa atin, nagpapasaya at nagbibigay kilig. Kaya sa bawat pag-ngiti niya parang kumikinang na ang buong paligid, kapag wala siya ang gloomy sa feeling kaya nga mas bet natin na laging nakikita si crush eh.. siya kasi ang bumubuo ng araw mo.

Tagalog quotes para kay crush

“Yung feeling na kahit malungkot at badtrip ka, mabasa mo lang mga convo niyo ni Crush mawawala na lahat.”

Si crush ang dahilan kung bakit lagi mong gusto hawak ang cell phone mo lalo na kung magkatext kayo. Kaya naman kapag badtrip ka minsan binabasa mo na lang yung mga conversation niyo tapos mapapangiti ka nalang, ganyan ang epekto ng crush sa atin. Masaya at nakakakilig.

Tagalog quotes para kay crush

“Define Crush? Yung siya ang rason kung bakit ganado kang pumasok sa klase.”

Kapag kaklase mo si crush siya talaga ang dahilan kung bakit gustong-gusto mong pumapasok sa klase, tapos tititigan mo lang naman siya, mapapangiti ka kapag ngumingiti siya at siyempre siya ang inspirasyon mo para ganahan kang magreview at sumagot sa mga recitation, pakitang gilas na din baka sakaling magkacrush din siya sayo.

Tagalog quotes para kay crush

“Kapag crush mo ang isang tao pati schedule niya inaalam mo.”

Kapag crush na crush natin ang isang tao minsan gusto nating malaman ang schedule niya sa school at yung mga madalas niyang gawin..gusto nating malaman ang lahat ng tungkol sa kanya. Ganito din ang isang die-hard fan, lahat- lahat gagawin makita at masulyapan lang ang kaniyang iniidolo. Bawat tv shows o kung anu-ano pa talagang papanuorin natin at aabangan basta nandoon ang idol natin. Ganun tayo sa mga crush natin lalo na sa mga crush nating IDOLS.

Tagalog quotes para kay crush

“Kung makatitig ka kay crush wagas, pero kapag si crush na ang tumitig todo ka naman iwas.”

Ito yung mga moment na tinititigan lang natin si crush ng walang dahilan, minsan para makita ang mga facial expression niya minsan naman para lang titigan siya. Pero kapag si crush na ang tumitig hindi mo na matake dahil nag-uumapaw na yung kilig at kaba kasi nakatitig na sayo si crush.

Tagalog quotes para kay crush

“Isa sa pinakamasayang feeling sa mundo: Yung gusto mong titigan si crush pero di mo magawa kasi nakatitig na siya sayo.”

Ito yung feeling na “Mapapa-OMG ka nalang kasi tinititigan ka ni crush ikaw naman kilig na kilig na at sobra sobra na ang kaba, kaya kahit na gusto mo minsang labanan si crush ng titigan hindi mo magawa kasi nauuna ang kilig.

If you have your own Tagalog Quotes para kay Crush, feel free to share it with us and we will be delighted to have them featured here at Papogi.com. Let us inspire more readers. For more updates, you can also visit and Like our Facebook Page Papogi.com.

loading...