Sampung Paraan Para Manatili Kang Gwapo!

Para sa mga pogi o gwapong nagkalat sa kung saan para lng malaman kung paano at ano ang mga dapat tandaan upang mapanatili ninyo ang inyong kagwapohan, heto na ang sagot sa inyong katanungan.

Tanong ko lang pogi ka ba? Kung hindi, hahaha bahala ka ! .pero kung sa palagay mo ay gwapo ka, ang sampung paraan na ito ang dapat mong pakatandaan.

Sampung Paraan Para Manatili kang Gwapo ! papogi.com

 

1.”Wag mong problemahin kung pogi ka!, baka yan pa ang maging dahilan para pumangit ka.”

– Pogi kana pinuproblema mo pa ! aba ay very wrong yan . Share ko lang sayo ang sabi ng lola ko ” wag mong problemahin apo ang mga bagay na natural na sayo, pogi kana ! wag mo nang hayaan na pumangit ka pa.”

 

2. “Hindi masama ang pagiging choosy. Mamimili ka din minsan.”

– Hindi masama ang pagiging choosy, nagiging masama lang to kung panget kana choosy ka pa. Pero dahil pogi ka , tama lng na mamili ka. Hindi yung nakakita ka lng ng sexy ee daig mo pa ang babaeng nalalaglagan ng panty.

 

3.” Kapag mag bibiro ka dapat nakakatawa hindi yung nakakairita.”

– Wag kang masyadong palabiro, mahirap na dahil baka tumatawa na lng sila dahil pogi kahit nakakairita na. Hindi mo dapat hayaan na iwasan ka ng iba dahil sa mga jokes mong wala namang kwenta!

 

Sampung Paraan Para Manatili kang Gwapo ! papogi.com

 

4.” Wag kang babarkada sa mga mas pogi sayo dahil magmumukha ka lang pangit sa grupo.”

– Marahil dapat ay alam na natin ang strategy na ito ,para angat ka ay dun ka bumarkada sa mga taong mas pangit sayo hahaha wala eh ganyan talaga . Simple lang, pag hahanap ka ng tropa, piliin mo yung alam mong lamang ka para pag kayo’y nagsama sama alam mong pinakapogi ka sa kanila.

 

5. “Wag kang maghabol sa taong di ka naman gusto, tandaan mo pinanganak kang gwapo hindi aso.”

– Yah yah yah !! XB hahaha. Sabi nga ng Ex Battalion ” kalimutan mo na yan, sige sige maglibang wag kang magpakahibang dapat ay itawa lang ang problema sa babae dapat di iniinda hayaan mo sila ang maghabol sayo diba.” 

 

6. “Pag binato ka ng bato, abay takbo!, baka tamaan ang mukha mo.”

– Sabi ng iba pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Pero para sa ating mga gwapo, pag binato tayo ng bato wag na tayong gumanti, takbo na lng tayo para di tamaan mukha natin, mahirap na ito na nga lang pwede nating ipag-malaki masisira pa.

 

Sampung Paraan Para Manatili kang Gwapo ! papogi.com

 

7.  “Wag babae ang pag laruan kung may basketball naman.”

– Ipapaalam ko lng dun sa mga di pa nakakaalam, mga ka-papogi di po kabilang sa mga sports ang mga babae kaya hinding hindi po talaga dapat tayo naglalaro ng babae.

 

8. “Manatiling humble para iwas sa trouble.”

– Wag mo nang ipagyabang kung pogi ka baka kasi mamaya may naiingit na pala.

 

9. “Wag mong ipapakitang kinikilig ka, lalo na kung hindi sa kanya.”

– Wag mong ipapakita sa crush mo na kinikilig ka lalong lalo na kung ang dahilan ay hindi siya . Hahaha sigurado akong pag ginawa mo yun sasabihan ka lang niya na pangit ka.

 

10. “Be pogi inside and out.”

– Pag pogi ka magpakabait kana, para yang kapogian mo ay di mawala sayo. Laging tatandaan na kapag pogi ka pero mayabang ka, pangit ka.