Sad Love Quotes 2018

Ang hirap

1.”Ang hirap makisama sa mga taong kahit pakitaan mo ng kabaitan ikaw parin ang pinaguusapan.”

Sobra. Sobrang hirap ngayon makatagpo ng totoong kaibigan. Sa totoo nga lang kung sino pa nga yung tinuturing at lubos nateng kilala sila pa yung traydor saten. Sa panahon ngayon, kung magtitiwala ka ng sobra. Masasaktan ka lang. Yung kahit ituring naten silang kapatid, kamag-anak, paplastikin ka pa. Yung kapag kayo ang magkasama kampi sayo. Pero pag wala ka na. Dun na lalabas yung totoong mga kasamaan nila.

2.”Lately, narealize ko na wala na akong pake sa mga taong walang pake sakin.”

Labannnn! Dapat kase ganyan. Dapat strong tayo lagi. Wag na wag tayong papatalo. Kung wala na syang paki. Aralin mo na din na mawalan ng pake. Sila nga walang pake. Dapat ikaw din. Para iwas sakit. Iwas asa. Doon tayo sa mga taong marunong magpahalaga.

WAG

4.”Wag kang mag mamahal ng iba kong alam mo sa sarili mo na mahal mo pa sya.”

Tama naman kase talaga. Wag kang maghahanap ng panakip butas kung hindi ka pa talaga nakakamove-on. Sinisira mo lang ang tingin sayo ng mga taong nakapaligid sayo. Wala namang mawawala kung magpapakatotoo ka e. Normal lang naman masaktan. Pero ang ipilit ang sarili na magmahal agad habang di ka pa handa, yun ang mali.

5.”Sarap magwala sa sobrang sakit!”

Kapag nasasaktan ka, o kaya pag may mabigat kang problema. Wala ka ng maiisip kundi idaan nalang sa iyak, sigaw. Isigaw lahat ng sama ng loob na bumabalot jan sa puso mo. Yung parang ang sarap isigaw sa lugar na ikaw lang yung tao para mabawasan manlang kahet konte. Pero, wag kang mawalang ng pag-asa. Kapit ka lang kay lord. Tutulungan ka nya. Kahit hindi mo sya nakikita, nakikita ka nya. Alam nya yung sitwasyon mo. Kaya mo yan! Tiwala lang.

6.”Alam mo? Naiinis ako sa sarili ko kasi hinayaan kong masaktan mo ako.”

Lahat naman sa una lang. Sa una lang masaya. Sa una lang may pake. Sa una lang may love. Sa una lang may effort. Sa una kalang nya mamahalin. Pag unti unti nang nagsasawa, nasasaktan kana! Hinahayaan mong masaktan ka ng dahil sa kanya. Kung kaya nya, sana kaya mo din! Wag kang papayag na sinasaktan saktan kalang nya. Prinsesa ka ng mga magulang mo, tapos sasaktan kalang? Wag kang papayag.

Lahat

7.”Lahat napapagod at nahihirapan, pero hindi lahat kayang magtiis at kayang manatili.”

Lahat ng tao may kapaguran! Lahay ng tao natututong magtiis. Para lang sa mga taong mahal nila. Lahat ng tao napapagod, pahinga lang ang kailangan. Hindi naman talaga kailangang sumuko agad agad. Pero isipin mo din na lahat ng tao, may limitasyon. Kapag nararamdaman na nilang di na sila pinapahalagahan. Tumitigil sila. Natatauhan sila. Kaya habang nasayo pa. Pahalagahan mo.

8.”Bakit ang bilis lang para sayo ang bumitaw?”

Mahal kita mga salitang lage mong sinasambit nung kayo pa. Mahal kita mga katagang paulit ulit mong sinasabe sa kanya, na may kasama pang akin kalang at sayo lang ako. Pero bakit, bakit parang bilis namang bumaliktad ng mundo? Bakit ang bilis ka nyang bitawan na parang wala kayong pinagsamahan? Bakit nawala yung mahal kita na palage nyang sinasabe nya sayo. Teka. Hindi pala nawala, dahil ngayon sa iba na nya sinasabe. Yung mga pangakong sayo ipinangako, sa iba na nya tutuparin. Minsan sa pakikipagrelasyon, ang dame nateng pangakong nabibitawan. pero walang kasiguraduhan kung kailan matutupad.

 

Hindi

9.”Hindi ka naman tanga, nagmahal ka lang.”

Ou nga naman. Hindi naman masamang magmahal. Pero kung pinagmumuka ka ng tanga. Yun ang masama dun! Pag nagmahal ka dapat mahal lang hindi mahal na mahal. Para pag nasaktan ka masakit lang hindi masakit na masakit. Ganon! Hindi masamang magmahal ng sobra. Dapat alam mo pa din yung limitasyon. Wag mong ibigay lahat magtira ka para sa sarili mo. Kase at the end of the day. Sarili mo lang din ang makakapitan mo.

10.”Hindi ka takot magmahal, takot ka lang masaktan.”

Totoo naman Takot kang mangyari ulit yung napagdaanan mo, yung sobrang nakasakit sayo, naiisip mo na, pag nagmahal ka, ganun ulit yung mangyayare! Pero hindi naman lahat ng dadating sa buhay mo. Katulad ng taong minahal mo at sinaktan ka. Wag kang matakot mabigo. Wag kang matakot sumubok ng bago. Sa bawat sakit na nararamdaman mo. Mas lalo kang tatatag.

loading...