Reasons Why She Doesn’t Like You – Tagalog

Reasons Why She Doesn’t Like You – Tagalog

Mga Dahilan kung bakit hindi ka magustuhan ni Crush: Para sa mga lalaking nag gugulumihanan at halos mabaliw na sa kakaisip kung bakit hindi sila magustuhan ni Crush.

Marahil madalas mong maitanong sa sarili mo kung bakit kahit anong gawin mo e di ka magustuhan ni KRAS. Masakit mang isipin na kahit anong pilit mong iparamdam sa kanya na gusto mo siya, wala kapa ring mapala. Dude, baka naman nasayo ang mga katangiang to. Pwedeng makatulong to para mabago mo diskarte mo kapag nandiyan sa tabi si kras! Konteng tips, para makaka kuha ka naman ng ideas kung sakaling nagtataglay ka ng ganitong klaseng aura.hahaha


reason 1

1.PANGET KA

Yung tipong kahit anong ayos mo sa sarili mo, panget ka parin sa paningin niya. Masakit ba? Tanggapin mo nalang ang katotohanan na hingi ka niya type. Isipin mo nalang na malaki ang sinayang niya.hahaha. Besides napakarami pa diyan. Look for someone na matatanggap ka.


Reason 2

2.PANGET UGALI MO

Yung tipong humble effect ka dapat. Turn off ang mga babae kung mabunganga ka o masyado kang presko at mayabang. Dapat may pagka mysterious type ka. Swabe lang brad! Wag magmadali. Maging maginoo ka sa mga babae lalo na sa gusto mo.


Reason 3

3.MAY JOWA NA SIYA

Sorry pero kaylangan nating tanggapin na may jowa na siya. Syempre banggang celebration pag nalaman mong break na sila. First move, icomfort mo siya syempre di mo pwedeng ipahalata ba masaya ka. dapat damayan mo siya sa daloy ng kalungkutan. LEARN THE ART OF TIMING pre!


Reason 4

4.MAY JOWA KA NA

Wag kang malandi kung committed ka na. Stick to it! hindi yung makikipag break ka para lang maging kayo ni kras. Ikaw din ang masasaktan kapag nagka taon. Baka magsisi ka sa mga ginawa mo. Ang tunay na lalaki, nagbabago para sa babae. Hindi pabago bago ng babae! Ganern!


Reason 5

5.BAKLA/TOMBOY KA

Di talaga pwedeng maging kayo ni crush kasi labag yan sa kalooban ni Lord. At pwede din ayaw din talaga ni crush kasi hindi siya pumapatol.


Reason 6

6.DUGYOT KA

Wala kang alaga sa katawan mo. Yung tipong once in a blue moon ka lang maligo. Hahay pre. binata kana kayang kaya mo nang maligo mag isa. Ayaw ng mga babae sa marungis at mabaho. Kung iniisip mong “ganyan ka talaga at kung di ka niya matanggap edi wag!” mali yun. Wag ganun dude! Ano ka?Chiks? Neat and clean sabi nga. Iba ang dating ng lalaking malinis sa katawan. Trust me.


Reason 7

7.INVISIBLE KA

Yung tipong wala kang ka aura aura sa katawan. Lagyan mo ng konteng swag bro! Hindi man nila sabihin, gusto ng mga babae yung may angas ka (wag nga lang sobra). Gusto nila yung pakiramdam na safe sila kapag kasama ka. Yung pakiramdam nila kayang kaya natin silang ipagtanggol. Tsaka iparamdam mo sa kanya. Hindi yung puro porma lang.


8

8.FRIEND ZONE

Ang lugar na kinatatakutan ng lahat ng umiibig. Wala ka nang magagawa pag diyan ka napunta. hanap ka nalang ng iba dude.hehehe. Baka wala sayo yung pagiging BOYFRIEND MATERIAL. Pero sabi ko nga kanina, wag kang mawalan ng pag asa. Madami pang nariyan nasa tabi tabi lang. Malay mo yung katabi mo pala poreber mo.


Reasons 9

9.WALA KANG PANGARAP

Gusto ng mga babae, yung may pangarap sa buhay. Yung tipong pag dating ng tamang panahon magiging mabuti kang asawa sa kanya at ama sa inyong mga anak. Mag sikap ka! Para rin sa kinabukasan niyo yan.


Huling payo ko lang mga dre, Hindi naman mahirap kunin ang loob ng mga babae e. Tamang diskarte at timing lang. Kaylangan tayo ng mga babae hindi lang para edisplay. Syempre kaylangan nila tayo para alagaan sila at maramdaman nila na kaya natin silang ipag laban. Huwag tayong maging puro porma lang o swag. Ayusin mo ang sarili mo hindi para magpa impress lang sa mga babae. Go! Get a life! Kase pagkatapos ng sampo o dalawampong taon? Swag isn’t going to pay bills dude.

TRUST ME!