Quotes Para Sa Mga Taong Nasaktan At Umasa

Sa buhay natin kakambal na natin ang hirap. Tulad ng sa pag-ibig hindi natin maiwasan ang masaktan. Kapag nagmamahal wag tayong kampanti na magiging maligaya tayo bagkus lagi nating isipin na darating din ang oras na mararansan natin ang masaktan.

Quotes Para Sa Mga Taong Nasaktan At Umasa 1

“Ang pag-ibig parang sa text din yan, kahit ilang ulit ka pang magsend kung ayaw ka talagang replyan wala kang marereceive.”

Kung sa tingin mo ay wala na syang gusto sayo tumigil ka na, minsan kasi mahirap ipagsiksikan ang ating sarili kung alam mo naman sa sarili mo na wala syang space para sayo.


Quotes Para Sa Mga Taong Nasaktan At Umasa 2

“Kung hindi ka kayang suklian ng taong minamahal mo siguro ay wala lang talaga siyang barya kaya wag kang magbibigay ng buo.”

Hindi pwedeng sa lahat ng pagkakataon ibibigay mo sa kanya ang oras mo, magtira ka rin para sa sarili mo.


Quotes Para Sa Mga Taong Nasaktan At Umasa 3

“Kapag ang asukal ay nabasa at nalusaw, maaring mawala ang tamis. Parang tao, kahit gaano siya ka sweet sayo kapag pinaluha mo, magbabago.”

Tiwala ang isa sa pinaka mahirap ibigay sa isang tao, kaya minsan mo lang ito sirain kailan man mahirap na itong ayusin.


Quotes Para Sa Mga Taong Nasaktan At Umasa 4

“Tunay na pag-ibig? Yun yung hindi mo alam kung bakit mo sya nagustuhan, pero minahal mo sya sa hindi mo maipaliwanag na dahilan.”

Pag-ibig, kusang dumarating sa ating buhay. Minsan hindi natin namamalayan na mahal na pala natin yung isang tao.


Quotes Para Sa Mga Taong Nasaktan At Umasa 5

“Paano mo makikita yung para sayo kung ayaw mong tantanan yang pinipilit mong maging iyo.”

Hindi mo makakamit nag tunay na pag-ibig kung sa nakaraan ka pa rin nakakapit.


Quotes Para Sa Mga Taong Nasaktan At Umasa 6

“Matuto kang sumuko kapag nasasaktan ka ng sobra, minsan kasi ginagago ka na kinikilig ka pa.”

Kapag alam mo na nanlalamig na ang pagtingin nya sayo, sumuko kana. Kasi malay mo may mahal na syang iba kasi nga baka sya sayo ay nagsasawa na.


Quotes Para Sa Mga Taong Nasaktan At Umasa 7

“Bakit ka ba naman kasi maglilihim kung pwede mo namang sabihin? Hindi yung kung kelan huli na ang lahat tsaka mo aaminin.”

Kung may pagtingin ka sa isang tao, sabihin mo na hanggat maaga pa, baka kasi maunahan ka ng iba at magsisi ka. Sabi nga nila, “Daig ng maagap ang masipag”.


Quotes Para Sa Mga Taong Nasaktan At Umasa 8

“Wag kang maghahanap ng taong makakaintindi sayo, ang hanapin mo yung taong kahit hindi ka maintindihan, hindi ka pa rin iniiwan.”

Sa buhay natin minsan lang tayo makatagpo ng tunay na pag-ibig kaya naman, tayo bilang isang tao na marunong masaktan kailangan natin maging matalino sa pagpili. Dahil hindi lahat ng umiibig sayo ay tunay, tandaan, nagkalat ang plastic sa mundo baka makatagpo ka.


Quotes Para Sa Mga Taong Nasaktan At Umasa 9

“Hindi naman ako nagbago, tanga parin naman ako. Ang pagkakaiba nga lang, noon mahal kita pero ngayon hindi na.”

Kapag nasaktan ka nya sa unang pagkakataon, pwede mo syang bigyan ng pangalawang pagkakataon kahit hindi nya hinihingi ito. Minsan kasi sa pag-ibig kung talagang mahal mo ang isang tao lagi mo syang iintindihin kahit na nasasakatan ka na nya. Pero kung hindi pa sya nagbago sa pangalawang pagkakataon, magisip ka na kasi kung bibigayan mo pa sya ng pangatlong pagkakataon ewan ko sayo baka maging tanga ka na.


Quotes Para Sa Mga Taong Nasaktan At Umasa 10

“Ang pag-ibig ay parang ketchup, matamis pero maraming nakikisawsaw.”

Hindi natin maiwasan na magkaroon ng karibal, yun ngang may asawa na naaagaw pa yun pa kayang wala.