Pogi na Loyal pa

Pogi na Loyal pa

Pogi ka nga pero loyal ka ba?

Ang tunay na lalaki kapag nagmahal isa lang at hindi “isa-isa” lang. Maraming lalaki ang nagsasabing dahil sa kanilang kaakit-akit na itsura ay maraming babae ang nahuhulog ang loob sa kanila na nagiging dahilan naman upang sila ay “mangolekta” ng mga babaeng paiibigin at paasahin. Marami din naman yung masasabi mong “matino” kaya’t swerte mo kung ganitong lalaki ang nakita mo.

Narito ang ilang katangian ng isang loyal na lalaki.

Yung lalaking pinag-iipunan ang anniversary, date, at surprise party para sa’yo. Kase nga special ka sa kanya - Loyal

  1. Yung lalaking pinag-iipunan ang anniversary, date, at surprise party para sa’yo. Kase nga special ka sa kanya.

Kung ganito boyfriend, kalive-in  o asawa mo, ano pa ba ang hahanapin mo? Ibang magparamdam ng pagmamahal ang lalaki kapag tunay ka nyang mahal. Mag-eefort syang maglaan ng oras, plano at financial sa taong mahal nila at ayaw nilang iparamdam na sila ay may pagkukulang.

 

Yung lalaking handang ipakita ang mga chat at post ng facebook at messages ng cellphone n'ya - Loyal

  1. Yung lalaking handang ipakita ang mga chat at post ng facebook at messages ng cellphone n’ya.

Alam ng mga lalaki kung papaano maaalis ang posibilidad na magduda ang kanilang mga girlfriend o asawa. Kaya kung minsan sila na mismo ang nagbibigay ng kanilang mga account sa social media at cellphone para maipakitang loyal sila.

  1. Yung mga lalaking nagseselos kapag may kasama kang ibang lalaki.

Common na sa mga babae ang magselos sa kanilang mga boyfriend o asawa pero, ibang usapan na kapag ang lalaki na ang magseselos. Maraming dahilan kung bakit sila nakakaramdam ng pagseselos at isa na rito ay dahil siryoso sila sa kanilang nararamdaman para sa kanilang minamahal. Kung kaya, h’wag nyo ng hintaying banggitin nila ang katanungang “Mahal mo pa ba ako?” dahil, sa sandaling iyon ay maaaring kinukwestyon na nila ang kanilang nararamdaman para sa iyo. Tandaan,”Ang pag-ibig ay hindi tulad ng isang chat na walang reply”.

 

Yung mga lalaking handa kang iyakan sa mga pagkakataong bumibitaw ka na sa inyong relasyon - Loyal

  1. Yung mga lalaking handa kang iyakan sa mga pagkakataong bumibitaw ka na sa inyong relasyon.

Sabi nila “minsan lang umiyak ang mga lalaki”. Ang mga lalaki kasi mapagkim-kim ng kanilang nararamdaman. Hindi nila basta-basta ipinapakita na nasasaktan din sila lalo na kung tungkol sa pamilya. Pero, hindi sa lahat ng pagkakataon. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi na nila mapigilan ang kanilang pagtangis ay ang labis na pagmamahal o labis na damdamin na dumarating sa puntong nasasabi na nilang “hindi ko kayang mabuhay ng wala ka” o kaya naman ay magmamakaawa na sila.

 

Maraming salamat sa pagbabasa…

loading...