Pinoy Love Quotes and Sayings

Pag – dating sa pag – ibig, napakaraming tanong ang gusto nating masagot, napakaraming bagay ang gusto nating maranasan, at higit sa lahat, napakaraming feelings na gusto nating maramdaman. Pero bakit nga ba kapag nandyan na ang pag – ibig, nagiging pabigla – bigla na tayo? Pabagu – bago ang isip natin; minsan ganito, minsan ganyan, hindi na tay nag – iisp ng tama.

Kapag umiibig tayo, wala na tayong paki – alam sa sinasabi ng ibang tao, wala na tayong pake  sa mga opinyon nila. Pero bakit nga ba once na may dumating na pagsubok sa relasyon natin, sumusuko na lang tayo bigla? Sagot nga bang maituturing ang pagsuko sa isang bagay na halos buong buhay mo na ang binigay mo? Pag – ibig nga bang maituturing kung sa isang simpleng pagkakamali sumusuko na tayo?

Well, lahat naman tayo kanya – kanya ng paniniwala tungkol sa pagmamahal, merong masyadong maingat, merong go lang ng go, merong hopeless romantic, at meron ding nagpapakatanga sa pag – ibig. Hindi ako naninisi or ano pa man, mind you. Gusto ko lang malaman ninyong lahat na wala naman talagang mali pagdating sa pag – ibig. Hindi naman kasi mali ang magmahal. Naka – depende na lang sa atin kung paano natin gagawing tama ang isang mali sa relasyon. All is fair in love and war, ‘ika nga. Walang ibang gagawa ng mga desisyon sa relasyon ninyo kundi kayo din mismo.

Alam ko na pag – dating sa problema sa pag – ibig, ang nalalapitan na lang natin ay ang mga kaibigan natin, bihira na ngayon yung nag – kukwento sa magulang ng tungkol sa “problemang puso.” Alam ko rin na kung hindi man lahat, marami pa din yung sa mga quotes na lang kumukuha ng lakas ng loob pagdating sa relasyon nila. Kaya naman, para sa mga umibig, umiibig, at sa iibig pa lang. para sa mga nabigo, nabibigo, at mabibigo pa lang. Para sa inyong lahat ito.

Love Quotes

1.Hindi naman mahalaga kung paano at saan kayo nagsimula. Ang mahalaga kung paano mo inalagaan ang inyong nasimulan.

 

Sa pag – ibig kasi, di na importante kung paano kayo nag – kakilala. Hindi na din mahalaga kung saan kayo unang nagkita. May mga pagkakataon kasi na na – inlove ka sa kanya ngayon, tapos malalaman mong nagkita na rin pala kayo dati. Kaya hindi naman talaga importante ang paano at saan. Ang mahalaga lang naman talaga pagdating sa isang relasyon, ay kung paano ninyo ito mas mapapatagal pa. Yun bang sa kabila ng mga dadating na problema at sa dami man ng mga humahadlang at hahadlang pa sa inyo, mas nagiging strong kayo at hindi sinusuko ang isa’t isa.

Love Quotes

2.Mas mabuti ng bumitaw at masaktan ng panandalian, Kaysa mag mukha kang tanga na pang MATAGALAN.

 

Kung minsan naman, gumamit din tayo ng utak, hindi yung puro puso na lang. Mahirap kasi kung sa isang relasyon, ikaw na lang yung lumalaban.  Yung sa kabila ng mga sakit at hirap na nararanasan mo, andun lang siya sa isang tabi at wala man lang pakialam sayo. Kaya minsan, okay na din yung humingi ka ng kaunting space, para naman medyo makahinga ka at makapag – isip ng konti. Mas mabuti kasi yung lalayo ka pansamantala, pra naman kahit papaano, maisip din niya yung mga ginagawa nya sayo.

3

3.Kapag nawalan ng Oras ang mahal mo sayo. Sigurado lahat ng bagay, Pagseselosan mo.

Bakit nga ba kapag dumadating yung time na nagiging busy ang mahal natin, kung anu – ano na ang naiisip natin? Kahit sobrang liit lang na bagay, palalakihin natin. Magseselos tayo sa mga taong lagi nyang nakakausap at nakakasama. Ang katwiran natin, mas may time pa sya sa kanila kaysa sa ating karelasyon nya. Pero nagseselos nga ba talaga tayo, o namimiss lang natin sila?

Love Quotes

4.Pag IN LOVE ka, wala pa siyang sinasabi sayo KINIKILIG ka na.

 

May mga tao naman na, sobra kung kiligin. Makita mo lang siya, todo – vibrate ka na. Papalapit pa lang siya, kumikislap na ang mata mo. Paano pa kaya kung kausapin ka nya? Bakit nga ba masyadong malakas ang dating sa atin ng mga taong mahal natin? Ito ba ang proof na ganun talaga sya kahalaga sa atin? O patunay lang ito na siya lang talaga yung nakakapag pasaya sa atin?

Love Quotes

5.Minsan akala mo WALA NG NAGMAMAHAL SAYO, Kase masyado kang nakatuon sa taong hindi ka naman gusto.

 

Kapag bitter kasi tayo, o kapag tingin natin ay hindi natin makukuha yung taong gusto natin, masyado tayong nagiging pessimistic. Nagiging negative tayo masyado, feeling natin it’s the end the world agad. Masyado kasi tayong nababaliw kapag umiibig e, kaya akala natin mag – isa na lang tayo sa mundo at walang makakatulong sa atin. Ni hindi man lang tayo tumitingin sa paligid natin, masyado taong naka – focus sa taong gusto natin. Hindi na natin naisip na pwede din palang mangyari na mayroong taong tayo naman ang gusto.

Love Quotes

6.Babalik lang ang atensyon mo sa bagay na iniwanan mo na, Kapag nakita mo itong maayos at maganda sa piling ng IBA.

 

Nangyayari talaga na once in a while, may iiwan tayong tao kasi pakiramdam natin, hindi na siya ganun kahalaga. Hindi na siya ganun kaganda kaya nagsasawa na tayo. Wala na kasing thrill kung sya pa rin ang kasama natin. Di na natin pwedeng ipagyabang sa mga barkada natin, kasi nalolosyang na. Pero hindi man lang natin naisip kung bakit naging ganun siya. Di natin naisip kung bakit nawala ang ganda niya. Hindi man lang natin naisip na baka sa sobrang pagmamahal nya sa atin, napapabayaan na niya ang sarili niya kaya nagka ganoon siya. Hanggang sa darating yung time na makakaget over na siya sa atin at makakapag – move on sya. At makikita na lang natin na bumalik ang ganda niya. At mas masaya na siya kaysa nung nasa atin siya.

Love Quotes

7.Minsan may mga Movies na maganda sa simula, Pero nagiging magulo pagdating sa gitna. Parang Love, akala mo siya na.  Pero nang magkaroon ng problema, hindi pa pala.

Pagdating kasi sa love, hindi naman talaga importante kung kayo yung nakatakda. Ikaw lang ang makakapag – decide kung kanino ka magiging masaya. Ang importante talaga sa isang relasyon ay kung gaano ito kahalaga sa inyong dalawa. Hindi naman kasi magiging magulo ang isang pagsasama kung hindi kayo gagawa ng dahilan para ito masira. Magiging kayo lang talaga, kung may dumating man na probema, magkahawak – kamay pa rin kayong dalawa.

Love Quotes

8.Kahit anong pagsisikap mong mahalin at alagaan ang isang tao, Kung hindi naman ikaw ang kailangan niya, Hindi talaga magiging SAPAT ang binibigay mong SOBRA.

 

Dapat kasi, tiyakin din natin minsan kung totoo ba talaga ang nararamdaman ng isang tao para sa atin. Mahirap kasi yung one – sided love, give tayo ng give pero sya, take lang ng take. Alamin muna kasi natin kung ano ba talaga ang lagay natin sa kanya. Hindi yung nag – aassume lang tayo kung ano ba talaga tayo para sa kanya. Kaya naman pag nalaman natin ang totoo, sobrang sakit na. kilalanin mo na kasi sa umpisa pa lang, para sa huli di ka na masasaktan.

Love Quotes

9.Minsan kahit sabihin mong suko ka na, Pag naalala mo kung paano kayo naging masaya, Bumabalik ka ulit sa pagiging luka-luka.

Isa kasi yan sa problema kapag nagmamahal ka, kahit sobrang sakit na pabalik balik ka pa. Masyado kasi taong nakafocus dun sa mga ala – ala nating masaya kasama siya. Yun na lang kasi yung pinanghahawakan nating proof na mahal nya tayo. Pero sino nga ba ang niloloko natin, hindi ba’t ang sarili din lang natin? Naghahanap pa rin tayo ng patunay na mahal nya tayo, kahit alam naman natin sa sarili natin na hindi yun totoo.

Love Quotes

10.Kapag Masaya ka, hindi naman ibig sabihin lahat ng bagay Perfect na. It means that you’ve decided to look beyond the Imperfections, diba?

Ang tunay na love kasi, hindi ka na tumitingin sa ganda. Wala ka ng paki alam kahit imperfect sya, ang mahalaga lang kasi sa love ay yung nararamdaman nyo para sa isa’t isa. Huwag kang maghanap ng perfect kasi, kahit ikaw mismo hindi ka naman perpekto. Tanggapin mo na lang anuman ang makita mong mali sa kanya, kagaya ng pagtanggap mo sa mga tama na nakita mo sa kanya.