PERA TAGALOG QUOTES

Naghahanap ba kayo ng mga bagong Quotes and Sayings? Tamang tama at nahanap nyo na! Mag-enjoy sa mga Quotes na hatid sa inyo ni papogi.com! Kaya ano pang hinihintay nyo? Mag scroll down na upang makita ang mga bago at Trending Quotes!


PERA TAGALOG QUOTES 1

“Peranormal activity mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa pera mo”

“Ito yung mga panahon na marami kang pera pero unti-unting nauubos na wala kang alam kung saan to pumupunta at bakit bigla na lang nawawala”

PERA TAGALOG QUOTES 2

“Outang – umutang para maka-outing”

“Ito yung pagkakataon na kung saan gustong-gusto munang mag-layas at mag-Outing pero wala kang pera kaya no choice kundi mangutang na lang kay bes, para lang matuloy ang pinaplanong pag punta sa gustong lugar”

PERA TAGALOG QUOTES 3

“Ang pera ko parang coke, kung hindi sakto laging zero”

“Mga paulit-ulit na pangyayari sa ating buhay na kung saan kung  hindi sakto ang iyong pera ay Automatic wala or “zero””

“Hindi importante ang madaming pera. Ang importante masaya ang pamilya”

“Dibale ng mahirap at kapos-kapos sa pera basta’t laging masaya ang pamilya ok na dahil hindi sa pera nababase ang kaligayahan ng isang tao kundi sa mga taong nakapaligid dito”

“Yung perang buo kapagnabawasan sunod-sunod na ang gastos. Parang tiwala kapag nabawasan, sunod-sunod na ang hinala”

“Katulad nga ng Tiwala ang pera na kung saan once na nabawasan mahirap ng mapanatili sayong mga kamay”

“Kapag umutang ka magbayad ka kasi hindi lang pera ang hinihiram mo kundi pati
tiwala ng inuutangan mo!”

“Once na Umutang ka siguraduhin mong magbabayad ka. Kasi mas mahirap ibalik ang tiwala ng taong pinag-uutangan mo kesa sa perang hiniram mo”

“Marami ang may kailangan ng insPERAsyon”

“Oo alam natin na karamihan ng tao kailangan ng Insperasyon para mas mapadali nilang gawin ang mga bagay bagay sa kanilang paligid dahil may lakas sila ng loob para harapin to”

“Sana pera mo nalang akong nalaglag para pag pinulot ako ng iba sasabihin mong akin yan”

“Sa pag-ibig kahit alam mong wala kanang pag-asa ay patuloy ka paring gumagawa ng mga bagay para lang mapa sayo ang iyong minamahal at dahil dito di mo na papansin na humuhugot kana  at nagiging korne pero ok lang yun dahil alam naman nating pag nagmamahal ay nagiging tanga”

“Kapag malungkot broken hearted agad? di ba pweding wala lang pera?”

“Hindi lahat ng malulungkot ay pag-ibig na agad ang problema. Sa buhay ng tao, Oo nga at mahalaga ang pag-ibig pero dapat kailangan mong ilugar ang iyong sarili dahil baka sa kakapag-ibig mo di muna napapansin napag-iiwanan kana”

“Tandaan pera ang iniipon hindi syota”

“Ang iniipon pera at hindi syota! Dapat nating galangin ang mga babae 🙂 baka dumating ang karma sa panahong nagmahal ka ng tapat at seryoso tsaka ka mabibigo ng todo todo”


Maraming salamat sa inyong pag bisita sa aming Blogs! Nabitin ba kayo sa inyong nabasa? Wag na kayong mag-alala dahil marami pang susunod na mga Quotes ang maaari nyong mabasa! kaya laging bumisita dito! Maraming salamat! 😀