Papogi Patama Love Quotes

Papogi Patama Love Quotes

Bakit kung yung iba pag pogi ang sama ng tingin nila… hindi naman lahat ng pogi manloloko nuh… Hindi lahat ng tao sa mundo pare-pareho.. lahat tayo may pagkakaiba… Nagprovide ako ng sampong patama lines para sa kanila… pero syempre para din sa inyong masyadong bitter pagdating sa lalaki… ng matauhan din kayo…
Papogi Patama Love Quotes

“Dear boy’s one girl at a time. It’s a relationship, not a collection.”

Ang tunay na pogi hindi pinaglalaruan ang damdamin ng babae, hindi nagtwotwo-time at hinding hindi nanloloko ng babae dahil ang tunay na pogi Loyal at marunong makontento sa isa. Una reason kung bakit hindi dapat saktan ang mga babae kasi tao rin sila may damdamin, ikaw tao kaba? Normal ba sa isang taong magging Masaya na nakakasakit siya ng damdamin ng iba? Sabi nga ang babae minamahal hindi sinasaktan, nirerespeto hindi binabastos at pinapahalagahan hindi binabalewala. Kung hindi mo mahal wag mo ligawan bakit sasagutin kaba niyan kung di ka manligaw? Mamahalin kaba niyan kung di mo pinaramdam na mahalaga siya sayo? Sabi nga ni vice huwag ka magGogood night kung wala kang balak pahalagahan. In other words wag mo ipapadamang mahal mo siya kung hindi naman talaga.

“Save your heart for someone who really cares”
Ang pakikipagrelasyon hindi naman talaga dapat minamadali, hindi dapat nakikiuso lang nakesyo me bf/gf kaklase mo gagayahin mo ni nagkiss sila makikipaghalikan ka rin, nagpabutis sila papabuntis ka rin huwag ganon! Pahalagahan mo yung buhay na binigay sayo ng mga magulang mo, nagsasakripisyo sila upang mabigyan ka ng magandang kinabukasan, dapat suklian mo rin yung ginagawa nila para sayo dapat ipakita mong karapat dapat ka sa mga efforts na ginagawa nila ipakita mong hindi nasasayang sakrepisyo nila. Oo normal lang ang magmahal pero dapat me mga limitations parin.. paano kung hindi ka panagutan? Paano kung hindi ka pa handa? Paano mo haharapin ang bukas kung hindi mo pa napaghandaan? Anong mukha ang ihaharap mo sa mga magulang mo? Mahirap ng humanap ng taong tunay na magmamahal sayo kung minsan kanang nagkamali lalong lalo na sa babae pero hindi ko naman sinasabing wala na magmamahal sa inyo… ang point ko is be wise… hindi masamang magsigurado… kung gusto niya na… pakasalan ka niya… upang makasiguro ka … kasi ang tunay na nagmamahal MARUNONG MAGHINTAY!
Papogi Patama Love Quotes

“X minsan letra madalas mahal mo pa”
Normal naman siguro na hindi basta basta mawala yung nararamdaman natin sa EX natin diba? Una minahal natin sila isama mo pa yung mga oras, efforts at moments na magkasama kayo diba? Hindi ganun kadali magmove-on sa totoo lang … pero ang dali sabihin L sana kung gano kadali sabihin ganun kadali gawin… L pero hindi ei sa hiwalayan talaga mararanasan talaga yung mamimiss mo sya maaalala mo yung Masaya kayo nagkekwentuhan, yung mga away at tamptuhan nalagpasan niyong dalawa darating yung point na iisipin mong bakit dumating sa hiwalayan gayung Masaya naman kayo kahit may mga away, tampuhan, problema, dudahan at selosang nagaganap. Pero wala naman tayo magagawa kasi dumarating talaga yung point na napapagod tayo kailangan nating maghiwalay at magging Masaya, kasi nga diba “Ang isang relasyon nabuo dahil gusto nating magging Masaya? At hindi para mahirapan” kaya move-on nalang.

“Hindi ako customer Service para kausapin mo lang kapag may kailangan ka.”

Yung ganitong sitwasyon madalas nangyayari to sa mga kaibigan nating may lihim na pagtingin sa atin… pwede rin sa taong manliligaw natin pero iba yung pinili natin sila yung mga taong mas madalas tawaging PANAKIP BUTAS. Panakip sa problema natin, mga taong handa tayong damayan sa lahat-lahat mga taong totoong deserving pero di natin Makita kasi nabubulag tayo sa pisikal na anyo(pogi/maganda, sexy, makinis maputi at mayaman). Sabi nga dun sa naunang quote “Save your heart for someone who really cares”. Hindi naman masama makipagrelasyon, gaya nga nang sabi ko huwag magpadalos dalos siguraduhin mong hindi mo pagsisisihan ang mga gagawin mo. Maaring ngayon taken ka pero who knows, hindi naman sa sinasabi kong magtwo time kayo… what I mean is hindi natin sure kung ano o sino yung nakatadahana sayo. Yung taong sisiguruhing magiging Masaya ka sa bawat araw ng buhay mo.
Papogi Patama Love Quotes

“Judging other will not make you Perfect.”
Ok lang naman ang makapuna sa pagkakamali or sa kakulangan ng iba. Pero sabi nga diba? Walang taong perpekto marahil meron ka nung wala sya pero meron syang katangian na wala Karin… Pwedeng maganda ka pero hindi ka naman matalino… Or matalino ka pero hindi ka naman Gwapo/maganda. Sabi nga don’t judge the book by its cover, so don’t judge others cause they’re not a book 😀 char lang… Pwede naman kasing sa isip mo nalang diba kung me mapansin ka sa kanyang di mo gusto diba? Huwag mo nalang ipagsigawan… baka kasi mas malala ka pa sa kanya pula ka ng pula…

“Ang gusto ko lang naman sa babae yung mapasaya ko sya kahit sa simpleng bagay at konting effort ko lang.”
Normal lang naman sa lalaking nagmamahal ng sobra ang naising pasayahin ang babaeng kanyang minamahal… pero minsan nga lang may mga babaeng mataas yung expectations… in other words hindi natin namemeet yung expectations nila kaya yung iba na sobra nagexpect imbis na matuwa nagagalit sila or naiinis kasi iniisip nila mas better yung deserve nilang effort …  Hindi ba dapat kung mahal natin makontento na tayo sa effort na kaya ibigay sa atin… pasalamat nga tayo nageeffort sila ei… Ginagawan nila paraan kahit papaano..
Papogi Patama Love Quotes

“You don’t need to compare me with other, I know my imperfections.”
Minsan sa isang relasyon kaya nagkakaroon ng away ay dahil sa ikinokumpara natin si present kay past.  Masakit kasi sa pakiramdam yun para kasing ipinapamukhang mas better yung ex niya sayo… na dapat iwan ka na din niya… L Di sana sila nalang ulet… di sana hindi sila naghiwalay kung mas better yung ex niya… Kaya kayo huwag na huwag niyo ikukumpara ang past sa present kasi maari sila masaktan ng sobra ng dahil dun.

“Bottom Lines ng mga lalaki kapag nanliligaw sa isang babae: KELAN MO AKO SASAGUTIN?”
Bakit nga ba? Bakit karamihan sa kanila tinatanung kung me pagasa ba, kung kelan sasagutin… bakit? Di ba dapat marunong sila maghintay pinayagan na nga manligaw masyado pa demanding assuming gusto sasagutin agad… Kung mahal niyo talaga mageffort lang kayo let them say yes… nagpaalam kana na manliligaw ka diba? Hayaan niyo siya ang magdesisyon dahil ang tunay na pogi marunong maghintay.

Papogi Patama Love Quotes
“Hindi po lahat ng lalaki hilig ay maganda. May ibang lalaki kasi na kahit simple, okey na! Basta mahal sila.”
Mga babae kung minsan masyadong makapuna sa lalaki iniisip nila lahat ng lalaki pare-parehong manloloko, parepareho mangiiwan at pare-parehong maganda lang ang gusto…  Hindi naman lahat ng lalaki ganun hindi basta pogi fuck boy kasi ang tunay na pogi loyal!

“Hanap ng hanap ng inspirasyon. I-try mo muna kayang isipin si God? Mabuti pa.”
Sa panahon ngayon kabababata pa gusto na agad magkajowa, ganun ba talaga kalandi? Ganun ba talaga kagusto makiuso? Kasi ang pagmamahal marunong makahintay pero ang kalandian hindi! Kaya mo naba bumuhay ng pamilya? Kaya mo na maging mabuting ama/ina? Masyado mapupusok bago pagnakabuo iiwanan… Hindi paninindigan… ipapalaglag… ? Magagalit sa sarili kasi nagkamali? Hindi ka magkakamali kung hindi ka magmamadali hayaan mo dumating yung nilaan ni Lord sayo, huwag masyado maexcite sa pakikipagrelasyon… kasi hindi lang yun ang nagiging sanhi ng kaligayahan…

 

loading...