Papogi advice: Money is not everything

Papogi advice: Money is not everything

Hindi naman talaga sa lahat ng oras pera ang basehan ng kasiyahan, bakit yung mayayaman? May pera sila they can buy everything na gusto nila pero bakit hindi sila masaya? Yung iba madami nga pera wala naman time magulang nila sa kanila kaya ano ang result? karamihan sa kanila gangster, misirable buhay, drug adik ung iba laging nasa bar kaasi boring sa bahay nila. Malaki nga yung bahay nila hindi naman masaya, walang oras para sa anak nila ang ama at ina, kasi busy sa trabaho. Nabantayan ang kumpanya ang anak hindi, paano kung paguwi nila patay na anak nila? saka palang sila magsisisi kasi hindi nila nakasama ang anak nila? Sa bagay nasa huli nga naman talaga ang pagsisisisi.

Papogi advice: Money is not everything

Papogi advice: Money is not everything

Sa relasyon din hindi naman nabibili ang pagmamahal, oo may mga taong kumakapit sa patalim na kahit hindi nila nagpapakasal sila kasi iniisip nila mabibigyan siya ng magandang buhay. Meron ngang mga kababaihang nagpapakasal sa matatandang lalaki dahil sa pera, at meron ding ilang lalaki na kapit sa patalim na nakikipagrelasyon sa matanda ng dahil sa pera. Pero diba mas masarap sa pakiramdam na ang perang mahahawakan mo galing sa paghihirap mo? karamihan kasi satin tamad ei, gusto madalian lang kumita. Hindi lang naman sa mga materyal na bagay tayo magiging masaya, matuto lang tayong makuntento sa kung ano meron tayo, sinisiguro ko sayo magiging masaya ka. Bonding with your family, hindi nabibili ng pera, kwentuhan, pamamasyal kasama sila at iba pa.

Oo may mga nababayarang babae sa bar, pero yung matinong babae kaya mabili mo? Oo may bahay ka na maraming pagkain, ang tanung gutom kaba? Marami kayo katulong pero iba parin yung tunay mong magulang, iba parin pagaalaga ng tunay na ina. Marami kayong gamit Ang dami mo laruan ang tanung may kalaro kaba? Hindi sa lahat ng oras useful ang pera kasi Money can’t buy happiness.

Salamat sa pagbabasay ng maiksing pagliliwanag, sa mga taong nasisilaw sa salapi, sa mga taong inaakalang mabibili ng pera ang lahat ng bagay, nawa kayo ay matauhan. Nawa ay naunawaan niyo ang nais kong iparating. Salamat