Pano Nga Ba Maging Gwapo: Mga Dapat Gawin At Sundin!

Pano Nga Ba Maging Gwapo: Mga Dapat Gawin At Sundin!

Naghahanap ka ba ng mga tips o payo kung paano ka magiging guwapo at kaaya-aya sa paningin? Tingin mo ba ay oras na para isaayos ang personal appearance mo? Kailangan mo ba ng kaunting tulong kung paano mo mas maisa-sa-ayos ang itsura mo?
Kung oo ang sagot mo, basa lang pre. Gamitin mo ang mga tips at tricks na nakasulat dito at pagmasdan mong mabuti kung paano magbago ang tingin sa’yo ng mundo. Parami na ng parami ang mga lalaki, anuman ang edad, na masyadong nagfofocus sa image nila. Pumorma ka na ng mas maayos at baka mapag-iwanan ka. Ang ilan sa mga lalaki ay may nalaman o nadiscover na isang napakaimportanteng life hack. Nalaman nila na mayroong direktang ugnayan sa pagitan ng pagpapahalaga sa sarili at kung paano mo i-present ang sarili mo sa harap ng ibang tao.

Kaunting Background ng Ka-guwapuhan
Alam nating lahat na ang oportunidad sa buhay ng isang tao ay kalimitang naibibigay sa kanya kung papaano natin siya nakikita. Alam ko na medyo mababaw ito, pero ito ang katotohanan sa buhay natin.
Sa totoo lang, kapag nagfocus ka sa itsura mo sa isang healthy na paraan, ipinapakita mo sa iba kung gaano kalaki ang kompiyansa mo, na pwedeng i-translate sa kabutihang-asal at pang-akit sa iba.

Ang Kaisipan ng Pagiging Guwapo
Una, kailangan mong itama ang pag-iisip mo. Ang pagiging guwapo ay naguumpisa sa utak mo, hindi sa katawan. Sa madaling salita, ang pagiging kaakit-akit sa mata ay parte ng kaisipan natin. Hindi natin pwedeng ipakita ang isang bagay na wala tayo. Hindi mo mararanasan ang benefit ng pagiging guwapo kung wala ka namang confidence na totoo ang ka-gwapuhan mo.
Walang kahit anong cream sa mundo o gel sa mga tindahan ang may kayang i-transform ka para maging kaakit-akit sa iba. Ano yun, magic lang? kung sino man ang magsabi sayo na kaya ka nilang pa-gwapuhin, mag-isip ka na, baka gusto ka lang nilang bentahan ng produkto nila.
Ang totoo, kabaligtaran yun.
Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay makagagawa ng isang strong at ritualized na self-care routine na siyang magpapakita sa iba kung gaano ka talaga ka-attractive.
Hindi mo kailangang maging katulad ng isang alpha male (leader ng isang pack ng mga wolf) para maging guwapo ka sa iba, kailangan mo lang magfocus kung paano mo tingnan ang sarili mo (sa isang positibong paraan) para sa pinakamataas na benepisyo.

Ngayon naman, para sa isang tiyak at maaaksyunang bagay na kaya mong gawin na tumutukoy ng direkta sa tanong na: Paano ba ako magiging guwapo o mas guwapo pa?

pogi quotes

“Alamin ang tamang gupit”

Karamihan sa mga lalaki ay alam na susi ang buhok sa personal appearance. Nahihirapan lang talaga sila sa kung paano nila aalagaan ang mga buhok nila at at gumawa ng look na magpapakita ng best features nila.
Sa halip na maghanap ng isang magandang solusyon, karamihan ay nagpapagupit na lang basta-basta. Hindi naman masama ang ganitong approach; sa katunayan, ang pagkakaroon ng ganitong gupit kagaya ng crop cut ay pwedeng maging daan sa pagiging guwapo. Pwede itong maging tanda ng pagkalalaki at kalinisan.

“Bigyan mo ng atensyon ang mga ngipin mo

Isa sa mga pinaka-uncomfortable topics sa mga lalaki ang tungkol sa ngipin nila. Siguro dahil karamihan sa mga lalaki ay may mga secret fears pagdating sa pagpunta sa mga dentista.
Hindi ko kayo masisisi lalo na kung matagal ka ng hindi nakakabisita sa dentista ng ilang taon, pwedeng lumaki ang kaba mo. May iba pa nga na nagkakaroon ng phobia sa pagpunta sa dentista. Pero kung gusto mo talagang masabing guwapo ka, kailangan mong bigyan ng atensyon ang ngipin mo. Marami na namang paraan ngayon na available para gamitin sa pag-aalaga ng ngipin.
Kung may sira o hindi pantay ang ngipin mo, maraming products ngayon para diyan. Kailangan mo lang makipag-usap sa mga dentista.

Tandaan mo, ang isang napaka-gandang ngiti, ay kayang mapabuti ang attractiveness mo ng sobra-sobra. Mas nagiging attractive ang isang tao kung may confidence ang bawat ngiti niya.

“Bawasan ang pagkabalisa (anxiety) at pagiging stress”

Ito siguro yung mga hindi mo inaasahan na makikita mo sa listahang ito. Pero ang totoo, mas napapabilis ng stress at anxiety ang pagtanda. Kapag nakakaranas ang katawan mo ng mataas na degree ng stress, mahihirapan kang makatulog at mapapadami ang kain mo. Karagdagan pa dito, nakakasama ang stress sa mga DNA cells na uma-act bilang internal chronometer ng katawan mo. Sa madaling salita, maaari kang magmukhang mas matanda kaysa sa tunay mong edad.

Nakakapag-produce ito ng wrinkles, mahinang buto, at pagkakalbo ng buhok.
Kung gusto mo talagang magmukhang gwapo, napaka-importante na lagi mong nachi-check ang stress at anxiety levels mo.

pogi quotes
“Mag-exercise ka palagi”

Napakahalaga ang pagkakaroon ng isang regular exercise routine kung gusto mo talagang maging guwapo. Hindi lang ito makakatulong na makaiwas ka sa pagtaba, kaya din nitong magbuild at i-maintain ang muscles mo.

“Diet at tamang pagkain”

Kasama palagi ng exercise ang pagkakaroon ng tamang diet. Magkarugrtong silang dalawa sa pagkakaroon ng healthy lifestyle, at kasama na din ang kagustuhan mong maging guwapo.
Kung nagkakaproblema ka sa timbang mo, sobra man o kulang, mas makabubuti kung makikipag-usap ka sa isang nutritionist. Makakatulong ito ng malaki sa pangarap mong ma-achieve mo ang goal mong kagwapuhan. Hindi lang sa mukha, kundi pati na din sa katawan.

“Alisin ang mga dark spots”

Nagmumukha na bang batik batik ang mukha mo mo? Marami bang dark spots sa pisngi, noo, at ilong mo? Maraming uri ng mga blemishes na mas takaw-pansin pa kaysa sa mga attractive features mo.
Mas magmumukha ka ring matanda dahil sa mga ito. At ang masama pa, may mga blemishes na hindi talaga kaaya-aya. At kung hindi mo ito magamot, baka kumalat pa ito o mas lumaki pa, at dahil doon, unti-unting mababawasan ang self-esteem mo.
Ang maganda lang, may ilan sa mga ito na kaya mong gamutin sa bahay, hindi ka pa gagastos ng malaki.

Pogi Quotes

“Mag-isip ng classic na pananamit”

Ang pagsusuot ng tamang damit ay bahagi ng Kaguwapuhan. Ang problema, karamihan sa mga lalaki ay hindi sigurado kung anong damit ang babagay sa kanila, at isa pa, ayaw nilang maubos ang laman ng banko nila. Ang lagi mong dapat tandaan sa pagpili ng damit ay, kung kasya ba ito sa’yo. Isukat mo muna para hindi ka magsisi.
Aanhin mo ang isang damit kung hindi naman kasya o bagay sayo, kahit sabihin na gustong gusto mo ito. Kung ako sa inyo, balik na lang ako sa mga classic wardrobe. Ibig kong sabihin e yung mga basic, kagaya ng jeans, t-shirts, flannel, at boots o sneakers.

“Magkaroon ka ng regular na routine ng pag-aalaga sa mukha mo”

Bilang mga lalaki, hindi naman tayo naturuan kung paano magkaroon ng ganitong routine. Maraming dahilan kung bakit, at nangunguna na ang societal norms na masyadong konektado sa gender stereotypes. Ganito yun eh. Yung mga tradisyunal na sterotype ay unti-unti ng nawawala. Kaya kung gusto mong mas magmukhang guwapo, kailangan mong magkaroon ng skin care routine na naka-focus sa mukha.
Kasama sa tamang pag-aalaga ng mukha ang matutunan kung paano mo lilinisan ang mukha mo on a regular basis (ng mga tamang produkto) hanggang sa tamang moisturizing.

“Bawasan at pigilan ang mga kulubot sa mukha”

Kasama sa tamang pag-aayos ang facial routine na mag-aalaga sa balat mo hindi lang ngayon, kundi para maiwasan ang ibang problema sa hinaharap. Ang pagkakaroon ng youthful na balat ay nangangahulugan ng lakas at sigla, at sexy yun para sa mga babae. At kahit walang paraan para manatili tayong bata, marami ka pa ring pwedeng gawin para bumagal ang anumang pwedeng idulot ng pagtakbo ng oras sa balat mo.
Gumagamit ka ba ng moisturizer na may sunblock? Kung hindi, umpisahan mo na ngayon. Ang sikat ng araw ang nangungunang kalaban pagdating sa kagwapuhan. Iniisip mo siguro kung bakit. Simple lang, ang ultraviolet rays na galing sa araw ay nakakasira ng collagen (anti-aging protein) sa balat. Kaya naman, nangungulubot ang balat natin.Isipin mo ang itsura ng isang taong halos tumanda na sa paglalayag sa dagat. Kung ganito ang itsura ng balat mo, may babae pa kayang magkakandarapa sa’yo?

“Pahalagahan mo ang mata mo”

Isa sa mga parte na kalimitang napapabayaan ng mga lalaki ay yung balat sa may palibot ng mga mata. Karamihan sa mga lalaki ay wala man lang idea kung paano ito alagaan. Napakalungkot isipin dahil ang area na nasa ilalim ng mata ay isang madaling palatandaan ng tunay mong edad. Marami sa mga babae ang nakakaalam nito at talagang binibigyan nila ng pansin. Bukod dito, ang pagkakaroon ng baggy eyes na may maiitim na circle ay mas magbibigay ng impression na matanda ka na.
Ang effort na ibibigay mo sa pag-aalaga ng mga mata mo ay makakatulong ng malaki para mas maging guwapo ka.

Nagustuhan nyo ba ang inyong mga nakita’t nabasa? Wag na kayong mag-alala dahil marami pang kasunod na post ang aming gagawin para sa inyo! Kaya para mapagpatuloy ang magagandang pagbasa ninya Like and Share ang aming BlogSite! And also Visit us on facebook papogi.com then like and share! Thanks!