Paano manligaw ng seryoso ang mga pogi?

Alam naman natin na ang ga pogi ay di mawawalan ng babaeng nagkakagusto sa kanila. Kahit nga mga bakla nagkakagusto rin. Pero ang tunay na pogi ay may isang babae lang na gusto. Isa rin lang ang nililigawan nito. Kung manliligaw ka naman tapos hindi pang seryosohan ay di ka pwede dito dahil ang panliligaw ay hindi biro. Hindi dapat pinaglalaruan ang damdamin ng iyong mga nililigawan. Kung gusto mo ay gagawin mo lalo na kung seryoso ka. Kung pogi ka at gusto mong manligaw ng pang seryosohan ito ang ilang guidelines para sa iyo.

papogi.com-Paano manligaw ng seryoso ang mga pogi-1

1. Magbigay ng Effort.

Ito ang number 1 na kailangan sa panliligaw. Dapat nagbibigay ka ng effort para ipakita sa kanya na gusto mo talaga siya at seryoso ka sa panliligaw mo sa kanya. Maraming paraan ang magagawa mo para maipakita mo ang effort mo tulad ng hatid, sundo, pag libre sa kanya, pag tetext, chat, calls at kung ano ano pa. Tandaan mo kahit anong itsura mo o estado mo sa buhay kung sincere ka sa ginagawa mo, mararamdaman yan ng babaeng nililigawan mo 100%.

 

2. Magbigay ng Time.

Ang oras ay mahalaga. Hindi mo na kayang ibalik ang mga oras na nakalipas na. Sabihin na nag eeffort ka nga pero nasa taming ba? Baka naman nag eefort ka lang kapag kailangan mo lang siya. Dapat alam mo kung kailan ka mag eeffort kahit hindi mo siya kailangan. Magbigay ka ng time para sa kanya. Sa time na dumadaan marami kayong memories na magagawa. Kahit sa mga simpleng gawain lang like pag hatid sundo sa kanya or pagtetext or chat sa kanya enough na yun para maramdaman n’ya ang presence mo o na nagbibigay ka ng time sa kanya. Huwag mong kalimutang magbigay ng time sa kanya.

papogi.com-Paano manligaw ng seryoso ang mga-3

3. Make Memories.

As time pass by marami na kayong nagawang memories. Ipagpatuloy mo lang iyon. Kapag may mga bagay na nagagawa kayo maaaring maalala n’yo ang isa’t isa kapag ginawa n’yo ulit yun. You can do such things para maalala ka n’ya. Mas maganda kung mga good memories n’yo naaalala ang isa’t isa. Making memories together deepens your relationship.

papogi.com-Paano manligaw ng seryoso ang mga-4

4. Pause for a while.

Maraming tao ang nagsasabi na contradicting ito kung hindi n’yo ito magegets. Medyo contradicting to pero pag nagets n’yo maiintindihan n’yo na kung bakit n’yo kailangang gawin ito kahit medyo masakit. So paano ba ito gawin after mong magawa yung first 3 steps.

For example.
Araw araw mo s’yang hinahatid sundo at binibigyan ng mga pasalubong. Dapat sunod sunod na mga araw mo itong ginagawa for like 15-30 days.

Humanap ka ng timing para makapag pause. Hindi mo s’ya susunduin or ihahatid or kahit bigyan man lang ng pasalubong. In other words huwag kang magparamdam. By that time, sigurado mga 80-90% na hahanapin ka n’ya at nag aalala sa iyo. Gawin mo ito ng 1-2 days lang. Then after that at nagkita kayo, pakiramdaman mo siya kung magtatanong s’ya sa iyo kung anong nangyari sa iyo at hindi ka nagpaparamdam. Huwag kang aamin sa kanya na sinadya mo lang iyo. Importante itong step na ito dahil dito mo malalaman kung ano ka talaga sa buhay niya. Dito mo malalaman kung ano ba ang status mo sa kabila ng lahat ng ginawa mo. Kung nag alala man siya sa iyo, ang ibig sabihin nun ay may progress kang nagagawa. Medyo nakukuha mo na ang gusto mo.

NOTE!
Kung hindi naman siya nag aalala sa iyo, siguro dahil kulang ka pa sa effort or time. Pero maaari rin naman na tinatago lang niya na nagaalala siya sa iyo pero maniwala ka sa akin. Mga 80-90% ay magtatanong sila kung bakit di ka nagparamdam kahit 2 days lang iyon.

papogi.com-Paano manligaw ng seryoso ang mga-5

5. Be a soldier na alam kung paano sumuko kapag natalo na sa digmaan.

In other words dapat alam mo kung kailan ka susuko. Minsan kasi ang ibang mga lalaki ay hindi agad agad sumusuko kahit na nareject na sila ng nililigawan nila. Hindi naman masaman ang hindi sumuko kasi nga sabi nila ay try and try until you succeed pero minsan dahil hindi ka sumusuko ay nakakawala rin ito ng respeto. Always remember na hindi lahat ng gusto mo ay makuuha mo. Respect and find another one. Kasi kung ipinagpilitan mo ay mag aaway lang kayo lagi. Kaya huwag ipagpilitan ang ayaw talaga kasi kung sagutin ka man niyan dahil sa kakulitan mo, in the future ay mag aaway lang kayo kasi ang foundation nyo ay pilit lang. Kaya mas maganda kung respect her decision. Mas magandan kung natural at passionate ang pagmamahalan ninyo.

Goodluck sa panliligaw bro. Sana ay nakatulong ako sa iyo.

For more hugot/quotes visit us at papogi.com

loading...