Paano Maging Isang Mabuting BoyFriend: 10 Dapat Na Katangian

“Paano Maging Isang Mabuting Boyfriend: 10 mahalagang katangian na kailangan mo”

Ang pag-alam kung paano nga ba itrato ang iyong girlfriend ng may pagmamahal at respeto ay nakakalito minsan. Gusto mo bang malaman kung paano maging isang mabuting boyfriend at maging ang guy na ninanais ng girlfriend mo na maging ikaw?
May mga bagay na kailangan mong maintindihan pagdating sa kung papaano ka nga ba magiging isang mabuting boyfriend.
Kahit na may pagkakaiba man kung paano mag-isip ang isang babae at isang lalaki pagdating sa relasyon, napakadaling intindihin kung ano nga ba ang kailangan para manatiling masaya ang isang relasyon.
Para sa karamihan sa mga lalaki, ang intimacy at sexual companionship ay pareho lang, pero hindi ganun para sa mga babae.
Pero kung matututunan mong makita ang mundo kung paano ito nakikita ng girlfriend mo, siguradong maiintindihan mo kung ano nga ba ang kailangan para maging isang mabuting boyfriend.

“Paano maging isang mabuting boyfriend”

Ang isa sa pinakamadaling paraan para maging isa kang mabuting boyfriend ay ang unawain mo ang partner mo at ilagay mo ang sarili mo sa sapatos na niya. Yun bang tipong, “Eh kung ikaw kaya ang nasakalagayan ko?”
Pero para sa isang Mas madaling paraan, narito ang ilang tips kung paano maging isang mabuting boyfriend na maaaring makatulong sa’yo para magkaroon ng ilang pagbabago sa love life mo.

Boy Friend Quotes

“Tandaan mo ang mga importanteng araw”

Nakakalimutan mo ba minsan ang birthday mo? Siyempre hindi, di ba? Hindi mo nakakalimutan ang birthday mo dahil isa itong napakaimportanteng araw na isang beses lang dumadating sa isang taon, hindi ba?
Tingin mo ba importante din ang anniversary ninyo, o kaya ang birthday ng girlfriend mo? Napakayabang naman ng isang lalaki kung nakalimutan niya ang isang espesyal na okasyon at sasabihin na hindi yun big deal. Kung ang sarili mong espesyal na araw ay napa-importante, bakit hindi mo maintindihan na napakahalaga din para sa mga babae ang special days nila. Magbigay ka ng malaking effort para maunawaan ang girlfriend mo at tandaan mo ang special days niya kung talagang importante siya sa’yo.

“Maging mapag-alaga at affectionate”

Para sa mga lalaki, pinaka-importante ang physical intimacy at sex. Para sa mga babae, importante din naman ang sex, pero mas na-aappreciate nila yung lambing na pinapakita mo sa kanila. Katulad ng pagiging importante ng sex sa mga lalaki, importante naman sa mga babae yung mga yakap at lambing galing sa lalaki. Ipakita mo sa kanya ang lambing mo sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya o kaya pagyakap sa kanya habang nag-uusap kayo.
Ang isang mainit na yakap at kaunting malalambing na halik ay mas importante pagdating sa love kaysa sa kahit anong sexual escapades na kaya mong gawin. Makakatulong pa ito na magtagal ang relasyon nyo.

“Huwag mong i-take for granted ang girlfriend mo”

Isa sa pinaka-importanteng aspeto para malaman kung paano maging isang mabuting boyfriend ay ang iwasan mong i-take for granted ang girlfriend mo. Kung binigyan ka niya ng foot massage o kaya ipagluto ka niya ng masarap na pagkain, wag mo yung sasamantalahin at umasa na ganoon ulit ang gagawin niya sa susunod. Sa isang magandang relasyon, dapat naiintindihan ninyong pareho ang mga effort na ibinibigay ng isa’t isa at unawain mo na kahit maliit lang na gesture ay palatandaan na ng pagmamahal at paglalambing na hindi dapat samantalahin.
Wag na wag mong sasamantalahin ang mga ginagawa ng girlfriend mo. Ang dapat, matutunan mo kung paano magpasalamat at magpahalaga sa lahat ng mga maliliit na bagay na ginagawa niya.

Quotes About Boy Friend

 
“Tulungan mo ang girlfriend mo kapag kailangan niya”

Lahat tao ay kailangan ng kaunting tulong, lalo na kapag kailangang-kailangan talaga natin nito. Hindi mo kailangang maging clingy o maging superhero niya na laging nandyan sa tuwing tatawagin ka. Pero kung lumapit siya sa’yo at humingi ng payo o tulong mo, dapat nandoon ka para tulungan siya.
Siguro importante sayo yung mga gimik mo kapag weekends o yung bonding time ninyo ng mga barkada mo, pero pag may okasyon na humingi ang girlfriend mo ng tulong galing sa’yo, siguraduhin mo na nasa tabi ka niya. Napaka-reassuring para sa isang babae na malamang maaasahan niya ang boyfriend niya kapag kailangan niya.

“Pag-aralan mong humingi ng tawad”

Hindi lang ito para sa mga boyfriends kundi pati na din sa mga babae, pero dahil ang pinag-uusapan natin ay kung paano maging isang mabuting boyfriend, para sa mga lalaki na lang muna. Siguro napakasakit egoistically parasa mga lalaki na humingi ng sorry, pero minsan, isa itong napakaganda ngunit napaka-humble na galaw kapag nag-apologize ang isang lalaki sa girlfriend niya kahit wala sa kanya ang pagkakamali.
Habang umiinit kasi ang pagtatalo, nagiging makasarili tayo at hinahayaan nating uminit ang ulo nati, pero lagi mong tatandaan na kahit simpleng sorry lang ay pwedeng maging dahilan para matapos agad ang away ninyo at tulungan kayo para makapag-usap ng mas maayos. Paminsan-minsan mag-apologize ka sa girlfrend mo kahit wala kang kasalanan para man lang sa relasyon ninyo.

P.S. Pwede ka pa ring magparinig sa girlfriend mo na tama ka kapag okay na kayo at nagtatawanan na. Makakatulong ito sa inyong dalawa para maayos ang mga away ninyo ng hindi dinadaan sa galit.

“Unawain mo kung ano ang mga kailangan niya”

Kausapin at intindihin mo kung ano ang mga kailangan at gusto niya. pilitin mong intindihin ang nararamdaman ng girlfriend mo, at kahit wala siyang ibang ginagawa kundi magtampo at magmaktol, subukan mo pa ring intindihin kung ano ang tumatakbo sa isip niya hindi yung sasagot ka sa kanya ng pagalit. Minsan, mas madali sa babae na maupo na lang ng mag-isa o ilabas ang galit nila kaysa magsabi ng deretsa. Isa ito sa pagkakaiba sa paraan ng pag-rereact ng mga lalaki at babae kapag nasasaktan o nagagalit sila.

Best Boy Friend Quotes
“Huwag mo siyang sasakalin sa inyon relasyon”

Karamihan sa mga lalaki ay gusto mapa-ilalim sa kanila ang girlfriend nila. Maaari itong mag-umpisa ng hindi napapansin kagaya ng sa panonood ng paboritong palabas sa TV o pagsasabi sa girlfriend na huwag makipag-usap sa mga piling kaibigan niya. ngunit sa huli, darating yung time na gugustuhin na nitong kontrolin lahat ng galaw ng babae, lalo na pagkatapos ng kasal at lalong-lalo na kung ang lalaki ang nagtatrabaho.
Isa ito sa pinakamasamang paraan kung paano hawakan ang isang relasyon. Sa halip na sakalin mo siya, pagaralan mong kausapin siya. Hindi mo siya pwedeng ikulong o manipulahin para maging katulad ng gusto mo para sa kanya. Ang pagmamahal ay tungkol sa attraction sa pagitan ng dalawang tao. kapag sinubukan mong baguhin ang isang tao, hindi na pagmamahal ang mayroon kayo, insecurity na yan at pagiging duwag.

“Itulak mo ang girlfriend mo para maging isang mas mabuting tao”

Kung gusto mong malaman kung paano maging isang mabuting boyfriend, ito na yun p’re. Mas kilala mo ang girlfriend kaysa sa kahit kanino, flaws and all. Iniisip ng ibang lalaki na ang relasyon ay tungkol lang sa pagiging masaya at inlove, and also having a great time sa kama. Pero hindi diyan nagtatapos ang love.
Tulungan mo ang girlfriend mo na maging mas mabuting tao at tulungan mo siyang ayusin ang lahat ng mga kamalian sa kanya. Kung pareho kayo na nagsisikap para mapabuti ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagtutulungan na ayusin ang mga pagkakamali ninyo, mas magkakaroon ka ng kasiyahan at satisfaction sa buhay ninyo. Matuto kang i-criticize postively ang girlfriend mo at tulungan siya sa mga flaws niya. sa pagtulong mo sa kanya para maging isang mas mabuting tao, mas mamahalin ka pa niya at mas irerespeto.
Tandaan mo lang palagi na ang malaman kung paano maging isang mabuting boyfriend ay sobrang dali, hangga’t mayroon kang pasensya para makita ang mundo sa mata nya at matutong unawain ang mga

“Tratuhin mo siya bilang isang babae”

Hindi naman kasi tayo pinanganak na magaling. Ano yun, in-born greatness? Nagiging mabuting boyfriend lang tayo kung alam natin kung paano tayo magbehave kapag may kasama tayong babae o tuwing kasama natin ang mahal natin.
Isa sa mga unang hakbang para makuha mo ang paghanga ng babaeng mahal mo o gusto mo ay ang pagtrato at paggalang sa kanya bilang isang babae.Matuto ka kung paano maging chivalrous at intindihin mo kung ano ang kailangan para maramdaman niyang special siya.
Madali lang kasing magkunyari na mabait hanggang makuha mo ang isang babae, at tratuhin siya ng kung papaano mo man gustuhin kapag nakuha mo na siya, pero paano mo mapapanitili sa buhay mo ang isang babae na pinag-aagawan ng lahat ng lalaki kung ganyan ang ugali mo?

“Irespeto mo siya bilang isang tao”

Hindi mo pwedeng asahan ang girlfriend mo na gawin lahat ng gusto mo o kumilos sa paraan na inaasahan mo sa kanya, dahil lang sa girlfriend mo siya. Tandaan mo na girlfriend mo lang siya, hindi mo siya pag-aari at wag mong asahan na kikilos siya na parang turuang unggoy dahil lang sa gusto ka niya o dahil nakakasama mo siya sa kama.
Kung gusto mong malaman kung paano maging isang mabuting boyfriend, pag-aralan mo kung paano i-trato ang girlfriend mo ng may respeto at bigyan mo ng pansin kung ano ang mga kailangan niya. Huwag mong ipag-walang bahala ang mga sinasabi niya o hindi pakinggan ang mga advice niya dahil lang sa ‘babae’ siya. Kung talagang mahal mo ang girlfriend mo, irerespeto mo din siya.
Kung hindi mo siya kayang irespeto, ibig sabihin lang hindi pagmamahal ang dahilan kung bakit may relasyon pa kayo.

Maraming salamat sa Pagbisita sa aming Blogsite! Sana suportahan nyo to para sa lalong mas magagandang Quotes na aming mabibigay sa inyo 🙂 Please like papogi.com and our Facebook page also Thanks!