Noon at Ngayon Funny Tagalog Quotes

“Noon at Ngayon Funny Tagalog Quotes”

Iba’t ibang uri ng mga tagalog joke Quotes and Sayings na tiyak na makabibighani sa inyo! Dahil siguradong mawawala ang inyong mga problema dito! Kaya ano pang hinihintay ninyo? Tara na at alamin kung ano nga ba ang pinagkaiba Noon at Ngayon! Pero bago ang lahat syempre kailangan na agad nating mag enjoy! Basahin ang mga sumusunod na Best Tagalog Quotes and Sayings!

Funny Tagalog Quotes
“Noon: Ang sabi nila manakawan ka na wag ka lang masunugan
Ngayon: Nasunugan ka na, ninanakawan ka pa”

“Di na rin to bago sa atin diba? Haha ganyan naman talaga ang mga pinoy ngayon e sa sobrang praktikal pati yung mali nagagawa na. Hindi tulad dati na kung masunugan ka man e merong tutulong at tutulong sayo, hindi tulad ngayon na alam na nasunugan ka e pupunta pa dun sa iyong nasunog na bahay para maghanap ng maaaring ibenta at mapakinabangan pa tulad ng bakal at yero. Haha mas mahirap na nga talaga ngayon!”

“Noon: Pag wala ka sa grupo, huli ka sa ibang topic
Ngayon: Pag wala ka sa grupo, ikaw na mismo yung topic”

“Bakit nga ganun no? masyado ng Malaki ang pinagbago diba ang kailangan natin e magpatuloy at magpaunlad ng mga nalalaman pero hindi dapat yung tsismis ang pinag uusapan lalo na kung kaibigan na din ang naisasama sa usapan.”

“Panliligaw Noon at Ngayon”

“Noon: Sibak kahoy, Igib ng tubig, Akyat ng ligaw
Ngayong: Hanap, Usap, Deal”

“Totoo nga yung sabi nila haha na mas mapadadali ang mga Gawain ngayong mabilis na din ang pag unlad ng mga teknolihiya mismong panliligaw na ngayon e high tech nah aha. Hanap, Usap, Deal!”

Best Funny Quotes

“Noon: Mga anak magsipasok na kayo ng bahay, at andyan na ang mga Hapon!
Ngayon: Mga anak, magsihubaran kayo at andyan na yung mga Hapon!”

“Yung tipong kailangan ng bumalik ng bahay ng maaga dahil baka maabutan ng mga Hapon at magahasa dati pero ngayong paunahan ng matipuhan ng mga Hapon para lang sa Pera. Ganyan na ba talaga ang bansa natin ngayon masyado ng mahirap! Para di matulungan ang mga nangangailangan.”

“Noon: Pag maganda liligawan moa gad
Ngayon: Pag maganda mas magandang makasiguro ka muna kung babae nga talaga dahil baka parehas mong may dalawang ulo haha.”

“Oo nga no? Hindi na natin malaman kung balak nga ba yung isang merong magandang mukha. Kahit nga minsan na naghubad na sa iyong harapan e di mo masasabing dating lalaki haha. Dahil pati yung puri ng kanilang pagiging lalaki ay tinanggal na din nila para maging isang ganap na babae.”

“Noon: Pag gwapo, Babaero
Ngayon: Pati pangit Babaero na rin, di mo nga minsan akalaing mag papachoosy pa kung pumili e.”

“Sinong nakarerelate sa ganto? Diba maraming ganyan ngayong panahon diba? Yung tipong hindi sila basta bastang manliligaw ng pangit dahil meron nga daw silang kasabihang “Pangit na nga tas mag aasawa pa ng pangit” haha may point nga naman talaga sila sabagay kawawa naman ang magiging anak nila diba?”

Funny Quotes

“Noon: Pray Before Meal
Ngayon: Selfie Before Meal”

“Wala e dahil sa mga modernong kagamitan parang nawala na din yung ating mga magagandang kaugalian. Mismong ang pagdasal nga bago kumain e napaltan na ng selfie diba? Asan na ang magagandang asal ng mga pinoy? Nadala na ata ng mabilis na paglago at pag unlad ng modernong panahon.”

“Noon: Ligaw, Kasal, Tsaka magkaka Baby
Ngayon: Inuman, Nalasing, May Baby na”

Napakabilis nga ng mga pangyayari ngayong panahon na to. Hindi tulad dati bago mo makuha ang kamay ng isang dalagang iyong minamahal ay talagang magbibigay ka ng todong effort. Pero ngayon isang tagayan lang at kunting kwentohan hindi lang ang kamay ang makukuha kundi pati na tin ang kaluluwa.

“Noon: Todo kopya ng notes
Ngayon: Isang Picture lang tapos na ang lahat ng notes”

Pwede nga naman nating gawin yun. diba nga ang deskripsyon ng teknolohiya ay para mapadali ang isang trabaho at magawa sa kunting panahon lamang. Pero di ba natin napapansin na nagiging tamad na tayo dahil sa mga teknolohiyang nakapaligid sa atin? kahit ang simpleng pagkuha na lang ng note o pagsulat e kailangan pang kunan ng litrato dahil tinatamad. Hay naku kabataan nga naman talaga Ngayon!

“Noon: Pagkumain tsaka magtatanong ang mga anak sa kanyang mga magulang kung ano ito o bakit ganun
Ngayon: Isang search lang sa internet okay na”

Parang may mali diba? Hindi naman ako tutol e sa pag search ng mga bagay bagay sa internet. Pero diba mas magandang magtanong na lang tao sa ating mga magulang ng mga bagay na di natin alam bago sa internet? Bakit? Para mas maintindihan natin at kung bakit. Lalong lalo na para dahil lalong gumanda ang iyong samahan bilang isang pamilya yung marunong magtanong at sumagot sa isa sa inyo hind yung walang pansinan lang diba?

Sana nag enjoy kayo sa inyong pagbabasa sa aming BlogSite! Sana suportahan niyo to upang mas makilala at maging viral sa social media! Dahil siguradong matutuwa pa kayo sa mga susunod na aming ipopost na mga Top 10 Best Tagalog Quotes and Best Quotes and Sayings na makakukuha sa inyong panglasa! Please like us and share in facebook Thank You!


 

loading...