Popular Lines from Wattpad Characters
Collection of wattpad lines from the most popular wattpad male characters that move your heart. Mga linyang nagpakilig at nagparamdam sa atin ng lungkot at saya. Tagos sa puso ng bawat wattpader ang bitaw ng mga minahal nating karakter sa mga linyang ito.
Ace Craige: Ang supremong gagawin ang lahat para sa reyna niya. Ibubuwis ang buhay para sa pinakamamahal niya.
Jeydon Lopez – Kahit na bad boy kapag nagmahal ibang klase. Sa sobrang kasweetan pati asin lalanggamin.
Elijah Montefalco- Kahit hindi sundalo, handang mahalin ka kahit na anong mangyari. Kahit na kalaban niya ang lahat basta mahal niya ipaglalaban niya.
Ice Scott- Kapag minahal ka niya hinding- hindi ka niya ipagpapalit sa iba. Bawat ala-ala niyong magkasama ay mananatili sa puso’t isip niya.
Juanito Alfonso- Ang ginoong mamahalin ka kahit pa lumipas ang matagal na panahon. Lumipas man ang maraming taon… tumanda man siya at ipanganak kang muli.. ikaw parin ang mamahalin niya.
Kudos Pereseo – Simpleng lalaki pero wagas kung magmahal yung tipong nawawala na yung control niya sa sarili at nagagawa niya yung mga bagay na bagong-bago sa kanya pag nagmahal siya. Napakainosente at walang halong pagpapanggap.