Mga Hugot Lines ni Vice Ganda

Isa si Vice Ganda sa mga hinahangan pagdating sa pagbibigay ng mga hugot lines na talaga namang tumatatak sa bawat isip. Nagbibigay aliw sa mga nakikinig at nagdadala ng ibang kasiyahan sa bawat nanonood. Isa ka ba sa mga humahanga sa kanya? Narito ang ilang hugot lines niya na tumatak sa ating mga kaisipan at nagbigay liwanag sa ilang katanungang bumabalot sa ating mga kaisipan.

Mga Hugot Lines ni Vice Ganda

  1. Sana nai-inform tayo na sasaktan lang pala tayo ng mga taong pipiliin nating mahalin.

Sana kapag nagmahal tayo may nagaalert sa atin na sasaktan pala tayo ng taong minamahal natin. Minsan magigising ka nalang sa katotohan na nasaktan ka na pala ng hindi mo namamalayan. Hirap isipin na binigay mo na nga ang lahat sasaktan at sasaktan ka pa rin ang gulo talaga ng buhay hindi mo alam kung saan ka talaga susuot ee.

  1. Ex na nga ng kaibigan mo, syinota mo pa. Ano yan? SAgip Kapamilya?

Bakit ganun sa mga magkakaibigan alam mo na ex na sya ng kaibigan mo, kaw namang tanga pinakitaan ng mga magaganda ay bibigay na rin at magiging magsyota kayo anu yun kapag katapos ng kaibigan mung magkalabuan sila sasaluhin mo at ikaw ang magpapaligaya. Nasaan ang tunay niyong pagkakaibigan?

  1. Mahirap magmove on lalo na kung sa panaginip lang naging kayo.

Marami talaga ang umaasa lalo na kung patay na patay tayo sa isang tao yung tipong hanggang sa panaginip siya pa rin ang pinapantasya mo. Tapos paggising mo di ka makamove on ng dahil sa maganda mong panaginip na halos ayaw mo ng bumangon.

Mga Hugot Lines ni Vice Ganda

  1. Gising na! Maaga ka pang aasa today!

Isa ka ba sa mga taong ayaw bumangon kapag nanaginip ng maganda? Yung tipong umaga pa lang umaasa ka na pero sa katotohanan kailangan mong gumising upang harapin ang bagong hamon ng buhay mo. Gumising ka na para di ka na lalong umaasa sa wala.

  1. Wag kang magjowa ng player, kasi paglalaruan ka lang niya.

Bakit kailangan mong magjowa ng player na alam mo namang paglalaruan kalang. Pwede ka namang magmahal ng iba wag mong isiksik ang sarili mo sa taong paglalaruan ka.

  1. Hindi porket may payong ka, hindi ka na mababasa. Tulad ng pag-big hindi porket mahal ka niya, hindi ka niya sasaktan.

Minsan  kapag nakapayong ka nababasa ka pa rin, kaya wala tayong kasiguraduhan kung di ka talaga mababasa. Katulad sa pag-ibig hindi ka pa rin sigurado kung hindi ka talaga lolokuhin niyan. Sa panahon ngayon daming manloloko.

Mga Hugot Lines ni Vice Ganda

  1. Oo hindi ako totoong kaibigan. Bakit ikaw naging totoo ka ba sakin.

Baka isa ka sa mga kaibigang nagtataka kung nagbabago ang pakikitungo sayo. Bakit di mo tanungin sarili mo naging mabuting kaibigan ka ba? Kung gusto mung suklian ka ng pagmamahal, pagmamahal ang ibigay mo.

  1. Ang taong nagmamahal nang tunay ay parang estudyante na kumukuha ng exam. Hindi sya titingin sa iba kahit na nahihirapan na.

Kapag nagmahal wag ka ng tumingin sa iba parang buhay estudyante lang yan marunong kang magtiis kahit na nahihirapan ka na. Ang pagtiis mo ang magdadala ng isang kaligayahan sa inyong relasyon. Magiging matibay ang pagmamahalan niyo kung parehas kayo ng pananaw.

  1. Wag kang maghanap ng taong perpekto, Maghanap ka ng taong kontento.

Wala naman talagang taong perpekto kaya ang hanapin mo ay taong kontento kasi yan ang mahirap hanapin sa panahon ngayon. Kung kailangan mong sisirin ang dagat makahanap lang ng taong kontento gawin mo, dahil kapag nahanap mo yan magiging maligaya ang buhay pag-ibig  mo.

  1. Yung pakikitaan niyo kami ng maganda tapos kung kailan kami asang-asa yun pala tropa –tropa lang!.

Mahirap umasa sa mga taong pakikitaan ka ng magaganda tapos tropa lang pala turing sa’yo di’ba masakit. Yung akala mo sayo hindi pa pala, yung kaibigan lang talaga tingin sa’yo tapos lagi mong binibigyan ng motibo. Saklap talagang umasa.