Love quotes in Tagalog : Pinoy love quotes

Watch out for more love quotes as we continue to search for the best tagalog love quotes for you.

explain ko daw yung pagmamahal ko sayo. Sabi ko, “one word, unexplainable. ” 😀

“I need space.” ang pambansang dahilan kapag gustong gusto mo ng kumalas sa isang relasyon. Sa mga nagsabi nyan, good luck sa pagiging atsronaut!

Alam ko balang araw maghihiwalay din tayo, pero bago pa mangyari yon, papadama ko sayo na wala ng tao ang magpapadama pa sayo ng ganitong pagmamahal, malay mo sa ganoong paraan hindi mo na ako hiwalayan.

Kahit lagi kang nagtatampo, kahit lagi kang may mood swing, kahit lagi mo akong hinahampas ng bag mo kapag nagagalit ka, kahit lagi mo akong iniirapan at sinusungitan kapag bad trip ka. Ok lang yon, wala naman ako magagawa, MAHAL KITA eh.

More Love quotes in Tagalog and Pinoy love quotes

Lagi kong sinasabi sayo na aalagaan kita, lagi kong sinsabi sayo na mamahalin kita habangbuhay. Sabihin man nilang ang “cheesy” ko pero para sakin totoo lahat yon, kasi sa buhay ko ngayon ikaw na lang yung tangi kong pinanghahawakan kaya hinding hindi na kita pakakawalan.

Lahat tayo naghahangad ng magagandang bagay, magandang kotse, magandang bahay, magandang sapatos, magandang damit, pero sakin isang magandang bagay lang ang hinahangad ko. IKAW. 🙂

Yung taong mahal na mahal ka noon, handa ka ng layuan ngayon.

Love quotes in Tagalog

Love quotes in Tagalog

Second chance? Third chance? Fourth chance? Lahat tayo may karapatang mabigyan ng another chance. Another chance na magbago. Another chance para itama yung mga maling nagawa natin. And if we get that chance, grab it! Wag mo ng sayangin pa. Ipakita mong dapat ka talagang bigyan ng isa pang pagkakataon. Ipakita mo na worth it ka sa chance na yun. Wag mong sayangin, kasi yung ibang tao hindi naniniwala sa second chance. At hindi lahat ng tao nagbibigay ng another chance, sila yung mga taong ma-pride. Kaya dapat maging thankful ka kung nabigyan ka pa ng isang pagkakataon.

Lahat naman tayo dumarating sa puntong nasasaktan, nagagalit, o kaya nagseselos, pero kung talagang mahal mo, kaya mong tiisin lahat yan.

Sa isang relasyon normal lang yung hindi nagkakaunawaan. Kaya dapat matuto kang umintindi.