Friendship Life Quotes

Friendship Life Quotes

Ang salitang “friendship”ay isang uri ng relasyon kung saan ang dalawa o tatlong katao o gaano man karami ay tinuturing ang isa’t isa na  parang isang kapatid o espesyal dahil natagpuan nila ang isa’t isa na may parehas na karanasan, hilig, at iba pa. Ang kaibigan ay bahagi ng ating buhay kung saan sila yung kasama natin sa kung saan man o ano man ang ating kalagayan at kinaroroonan. Ang kaibigan ay biyaya ng diyos kaya marapat lamang na ito’y ating pahalagahan at pagyamanin.

 

papogi.com - featured image
“Siya yung taong handang makinig sayo kapag pakiramdam mo lahat sila iniwan ka”.

– kapag talaga pakiramdam mo na iniwan ka na ng lahat iisa lang talaga ang tatakbuhan mo at papasok sa isip mo na makikinig sayo sa gitna ng pag iisa mo yan ay ang tunay mong kaibigan alam mong handa syang makinig. At minsan pang sila pa yung nakakaalam ng kalagayan mo kahit di mo sabihin tatabi lang yan sayo at hihimas-himasin ang likod mo habang iniiyak mo na ang sama ng loob mo sa kanya.

 

papogi.com - featured image

 

“Ang tunay na kaibigan kahit may tampuhan di nambubunyag ng sikreto yan”.
– Sa hinaba haba at tinagal-tagal man ng tampuhan ng magkakaibigan alam nilang di nila kayang ibunyag ang sikreto ng bawat isa kase alam nilang mas masasaktan lang nila ang isa’t-isa.

 

papogi.com-featured image

 

“A friend is someone who knows all about you and still loves you”.

– Kaibigan talaga ang nakakalam ng lahat sa iyo kahit ano pa yu bad side mo at good side mo minsan nga mas kilaloa ka pa nila kaesa sa sarili mo eh, at yang mga kaibigan natin sa life mas mahal pa nila tayo kesa mahal natin sarili natin.

papogi.com-featured image

 

“Ang tunay na kaibigan alam nya sa mata kung may problema ka kahit ang nakikita lang iba ay mga ngiti at tawa sayong mukha”.

– Sa friedship talaga ang nangungusap kadalasan mata kaya kapag may problema ang isa alam at kitang kita ng kaibigan kahit ang nakikita ng iba ay tawa at mga ngiti sa labi nya. Ang tunay na kaibigan kahit busog pa yan, pag nanglibre ka kakain at kakain yan.

 

papogi.com-featured image

 

“Ang tunay na kaibigan kahit busog pa yan, pag nanglibre ka kakain at kakain yan”.

–  Ganyan talaga sa magbabarkada kapag nagkayayaan na mag food trip kahit kagagaling mo lang sa pagkain at busog ka, mapipilitan ka talaga na kumain dahil ayaw mo naman na sila lang yung mag enjoy shempre sasamahan mo sila kase sa pagkakaibigan, samahan at bonding yung tinetresure ninyong magkasama

 

papogi.com-featured i,mage

 

“Ang mga kaibigan ko ay parang lata maingay pero atleast hindi plastik”.

– Marami talagang ganyan, yung mga kaibigan mo lang kasi sinabi nila, pero plastic nagpapanggap na tunay mo silang kaibigan pero pagnakataliod ka na marami silang masasabi sayo. Kaya kung meron ka na kaibigan na parang lata sa ingay maswerte ka kasi kungsino pa yung maingay lang sila pa yung tunay mong kaibigan.

 

papogi.com-featured image

 

“Great friends are hard to find, difficult to leave, impossible to forget”.

– Mahirap talagang mahanap ang tunay na kaibigan kaya kung meron ka nito na mga tunay na kaibigan ang hinding hindi mawawaglit sa isipan mo mga pinag samahan nyo at never never mo silang makakalimutan.

 

papogi.com-featured image

 

“Ang tunay na magka-kaibigan nag-aasaran, naglalaitan pero hindi nagiiwanan”.

– Hindi talaga mawawala sa pagkakaibigan yang asaran at laitan kase isa rin yan sa nag papatibay ng samahan kase sa pagaasaran at paglalaitan ng magkakaibigan doon mas nakikilala nila ang bawat isa at tanggap nila kung anong kapintasan ng bawat isa na mas nagpapatibay ng samahan nila.

 

papogi.com-featured image

 

“Having a best friend is like having your own little corner of the
world to escape to”.

– Kapag meron kang kaibigan meron kang escape kase sa dinamidaming stress at trabaho sa mundo basta’t nandiyan ang kaibigan mo matatakasan mo at makapagpapahinga ka rin kase isang tawag mo lang sa kanya sya he/she is one call away.

 

papogi.com-featured image

 

“Bestfriend sya yung isang tao na handang makinig sayo kahit alam niyang matigas ang ulo mo”.

–  kung meron mang iintindi sayo kahit pa ikaw na yung pinakamatiagas ang ulo sa mundo liban sa magulang mo, yan ay ang kaibigan mo.