Best Tagalog Patama Love Quotes For you

Best Tagalog Patama Love Quotes For you

tsismosa patama quotes

tsismosa patama quotes

Mahirap umasa sa salitang “mahal kita.” Wala kasing kasiguruhan at katiyakan. Di mo alam kung galling sa puso o saan pa man. Pero minsan kailangan mo paniwalaan para di ka masaktan.

Ang tunay na pag-ibig madalang ang biyahe. Kaya kapag dumaan na sa’yo, parahin mo at sumakay ka na. Di mo alam kung babalik pa ‘yun. Siguro nga babalik pa siya, eh pa’no kung may sakay nang iba? Sasabit ka na lang ba?

Ayaw mo magmahal? Bakit? Kasi malungkot pag iniwan ka? Kasi malungkot pag sinaktan ka? Kasi malungkot pag di ka niya mahal? Pero sa ginawa mong pag-iwas sa kalungkutan, masaya ka ba?

Dati tuwang-tuwa ako pag inaasar ka
Tuwang-tuwa ako pag naiinis ka na
Tapos sabi mo lalayo ka na, ayaw mo na ako makita…
Sabi ko, “Wag! Mahal na kita!”
Sabi mo, “Nang-aasar ka ba?!”

Bakit nga ba kay hirap hindian ang isang kaibigan? Takot kang siya ay masaktan, ayaw mong masira ang samahan. Pero bakit sa huli napapaisip ka… kaibigan lang ba talaga? O ayaw mong amining nahulog ka na?

Mahirap magmahal ng dalawang tao.
Yu’ng isa bahagi ng buhay mo ngayon
Yu’ng isa bahagi ng nakaraan mo
Ang pinagkaiba lang
Yu’ng ngayon ayaw mong saktan
Yu’ng nakaraan gusto mong balikan

Sabi mo lahat ng story may ending. Bakit yu’ng sa atin wala? Palagi na lang ganito, paulit-ulit na lang. Paano ba ang ating kwento? Kasama ba ako sa totoo mong mundo o iiwan mo lang ako sa kwentong binuo mo?

Nakakamiss patama tagalog quotes

Nakakamiss patama tagalog quotes

Thanks For reading Best Tagalog Patama Love Quotes For you Hope you share and Like it.