Best Sweet Tagalog Love Quotes

“Best Sweet Tagalog Love Quotes

Sa relasyon ang pagkakaroon ng away, tampuhan , selos, at iba pa ang nagbibigay buhay sa isang relasyon. Ngunit hindi naman sa lahat ng oras ay puro hinanakit ang dulot ng pagmamahal bagkus kasiyahan at pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Sa oras na mayroon kayong hindi pagkakaunawaan ang paglalambing ay isa sa pinakamadaling solusyon upang maiwasan ang pagkasira ng iniingatang relasyon. narito ang ilang ways kung paano maiiwasan ang hiwalayan niyo ng minamahal mo.

 

Best Sweet Love Quotes

“Dahil dumating ka sa buhay ko, naging masaya na ang kwento ng buhay ko.”
Pagnakakilala tayo ng isang tao at napalapit ang loob natin sa kanya hindi natin maiiwasan magkaroon ng nararamdaman para sa kanya. Mapapangiti ka na lang dahil iniisip mo siya at dahil sa kanya naging masaya ang ka sa buhay mo ngaun.

“Sa hinaba haba ng tulog ko ikaw pa rin ang dahilan ng paggising ko.”
Yung sobra ng himbing ng tulog mo dahil alam mong gigising ka para lang makita ang mahal mo. Na ok lang kahit mahaba ang tulog mo dahil alam mo sa sarili mo na gigising ka para sa kanya dahil gusto mo siya makita at makasama ulit.

“Sa bawat oras na iisip ka sa bawat araw nais ka makita at sa tuwing nakikita ka puso ko ay sumasaya na para bang akoy nasa langit na”

Yung nakikita mo ang taong mahal mo. Nako! Yung kinikilig kana makita mo lang siya, na gagawin ang lahat para makita o masulyapan siya. Kahit kabado ka na kapag kausap mo siya. Dahil siya ang nagpapasaya at bumubuo ng araw mo.

Best Sweet Love Quotes
“Di ko naman sinasadya na mahalin ka ng sobra. Nagkataon lang talaga na sayo ako naging masaya.”

May mga bagay talaga na hindi natin inaasahan, mga pagkakataon na nagiging masaya na lang tayo sa isang tao. Akala mo na kaibigan lang talaga pero kapag wala siya malungkot ka. Naunti-unti mararamdaman mo na lang na mahal mo na pala ang taong yun.

“Kaya ko naman talagang mabuhay nang mag-isa ang problema lang, nakilala kita.”
Yung nasanay ka magisa pero nung nakilala mo siya hirap na maging magisa dahil sa sobrang tagal na pagsasama niyo nasanay kang nanjan siya para sayo. Nasanay ka na lagi siyang susuporta sayo sa mga problema nangyayari sayo kaso nung nawala siya hirap na maging magisa dahil nasanay ka na nanjan siya.

“Namimis ko yung ngiti mo, pero mas namimis ko yung ngiti ko, na lumalabas lang kapag ikaw ang katext ko.”

Masaya talaga kung nakikita mo ang taong mahal mo na nakangiti. Pero malungkot ka dahil hindi na siya nagtetext sayo. Dahil ang pagtetext lang ang tanging paraan para makapagusap kayo. Pero magtext lang siya sayo ng isang beses buo na ang araw mo dahil siya lang talaga ang nagpapasaya sayo dahil mahal mo siya kahit isang text lang sapat na para sayo.

Best Sweet Love Quotes

“Di ko naman pinilit na maging akin ka. ang sakin lang gusto ko malaman mong mahal kita sobra.”

Huwag mong pilitin ang sarili mo sa kanya dahil kung ipipilit mo lalayo lang siya. Ipakita mo lang na mahal mo siya hindi yung pagiging possessive mo para sa kanya dahil ang babae niririspeto hindi yung inaangkin mo siya na hindi naman kayo.

“Matatag ako dahil sayo, pero isang bagay lang naman ang kinatatakutan ko. Ang mawala ka sa piling ko.”
Lahat naman ng tao ang pinakakinatatakutan ay ang mawala ang pinakaimportanteng tao sa kanila dahil kahit anong tatag mo pa mahirap mapalitan ang saya na binibigay ng taong yun. Madami ngang tao sa mundo pero iisa lang ang taong ganun sayo. Mahirap mapalitan ang taong yun dahil iisa lang siya sa mundo.

“Need pa ba ng notification? Para ma-gets mo na like kita?”
Kailangan pa ba ng abiso para malaman lang ng taong gusto mo na gusto mo siya? Daig pa siya ng mga kaibigan niya dahil nararamdaman nila na gusto mo siya pero ano lang ang ginagawa niya? Manhid ba siya? Or dahil ayaw niya sayo kaya hindi niya pinapansin.
Kaya try mong umamin sa kanya para na din malaman mo kung ano ang sagot niya para sayo. Hindi yung matatakot ka dahil ayaw niya sayo, maging positive ka dahil lumaban ka, sinubukan mo pa din dahil gusto mo talaga ang taong yun.

” Nakakainip ang maghintay pero masakit ang magsisi. Kaya bakit ako susuko kung ang nag-iisang laman ng puso ko ay kaya ko namang ipaglaban.”

Oo, nakakainip talaga ang maghintay kaya gagawa ka ng paraan para lang ipaglaban mo na mahal mo pa siya dahil kung hindi ka gagawa ng paraan o maghihintay ka pagsisihan mo ang lahat dahil hindi ka gumawa ng paraan para lumaban.

“Salamat sa pagbisita sa pinakaaabangang blog site sa Pinas,  Nagustuhan niyo ba ang topic natin? Patuloy lang na bisitahin ang blogsite na to para sa update o kaya naman bisitahin ang aming FB page papogi.com.”

Please LIKE and SHARE, but don’t forget to SMILE ?
Thanks!