Best Payo Quotes and Sayings

“Tayo ay ganito dahil hinayaan natin maging ganito tayo.” – Tado

Tama si Prinsipe Tado. Kaya ‘wag na ‘wag nating isisi sa ibang tao kung bakit naging ganito tayo. Kung manloloko ka, wag mong ikatwiran na niloko ka dati kaya gumaganti ka. Tandaan mo na mayroon ka palaging pagpipilian. Ikaw ang pumili, ikaw ang gumawa ng choice para mangloko, hindi ang ibang tao. Tandaan mo na kung meron mang taong dapat sisihin, e aminin na natin sa ating sarili na tayo lang talaga ang dapat sisihin sa anumang kahahantungan ng mga desisyong ginagawa natin. Tama ba ‘yun, mga brods? Sinong agree? Taas ang paa.


Best Payo Quotes and Sayings 1

Bago ka gumawa ng kalokohan sa taong mahal mo, isipin mo muna kung kaya mong mawala siya sa’yo.

Ayan ang number 1 natin mga brods. Pag – isipan muna nating  mabuti kung ayos lang ba talaga sa atin na mawala yung taong mahal natin dahil lang sa hindi tayo nakapagpigil na lumandi at magpalandi? Kaya ba nating tanggapin sa sarili natin na nawala sa atin yung taong pinakamamahal natin dahil lang sa isang pagkakamali? Esep esep mga brods.


Best Payo Quotes and Sayings 2

Kahit na kailan, HINDI tama ang gawing tanga ang taong walang ginawa kundi ang MAHALIN ka.

Pangalawa mga brods, TAMA BA YUN??? Hindi naman mali ang magmahal ‘di ba? Kaya bakit kailangan nating saktan ang isang tao, gawin s’yang isang DAKILANG TANGA at higit sa lahat, paasahin s’ya sa mga pangako nating lagi na lang napapako? Wala naman siyang ginawang masama sa atin, pero bakit kailangan pa nating maghanap ng iba? TAMA BA YUN?


Best Payo Quotes and Sayings

Huwag mong idahilan na NASAKTAN AT INIWAN ka noon kaya ka BABAERO/LALAKERO ngayon.

Yan mga brods ang PINAKA GASGAS na linya na halos araw araw ko ng naririnig. Mapa babae man o lalaki, ganyan na lang palagi ang sinasabi. Kaya payo lang, i – erase mo na sa sistema mo ang paniniwalang yan. Oo nga, sinaktan ka at iniwan ka dati, pero ano bang ginawa ng girlfriend/boyfriend mo para s’ya naman ang saktan mo? May mapapala ka ba? Makakaganti ka ba sa ex mo na nang – iwan sa’yo nung sinaktan mo ‘yung taong nagmahal at tumanggap sa’yo?


Best Payo Quotes and Sayings 4

Magiging permanente lang ang lahat ng bagay sa buhay mo kung marunong ka lang makuntento.

Alam nating lahat na iniintay talaga natin si Ms. /Mr. Right. Aminin man natin o hindi, lahat tayo ay nangangarap na makatagpo tayo ng isang tao na makakaintindi sa atin at magmamahal sa atin ng lubos. Pero walang mangyayari kung sa tuwing magkakaroon tayo ng partner e paulit – ulit na lang nating gagawin ‘yung alam nating makakasakit sa kanila. Papaano pala kung ang taong sinasaktan natin ngayon ay ‘yung mismong taong pinakahihintay natin? Sasayangin lang ba natin ‘yung pagkakataong lumigaya tayo dahil sa iniisip pa din natin ‘yung taong nanakit sa atin?


Best Payo Quotes and Sayings

“Kung inaasahan ng isang lalaki ang maging isang angel ang babae para sa kanyang buhay, Kailangan niya munang gumawa ng langit. Dahil walang angel sa impyerno

Ngayon mga ka – kaibigan, basahin natin ng paulit ulit ang linyang yan at pag – isipan ng mabuti. If we expect a woman to be an angel in our life, what do we need to do? Ano ang dapat nating gawin para mangyari yun? Then let’s create heaven for her, pangatawanan natin ang pagiging lalaki natin, magmahal tayo ng tapat at magmahal tayo ng buong – buo. Kalimutan na natin lahat ng mga masasamang ala – ala na binigay sa atin ng mga ex natin. Past is past, ‘ika nga. Huwag nating gawing miserable ang buhay ng taong nagmamahal sa atin. Huwag tayong gumanti sa taong wala namang kinalaman sa mga nangyaring masasakit sa atin.


Maraming salamat sa pag Bisita sa Aming BlogSite! Sana marami kayong natagpuan at nakitang masasaya at nakakatawang mga Quotes and Sayings! Marami pa kaming susunod na Ipopost kaya laging Maghintay sa aming pinaka bago at malulupit na Quotes! Please Like in facebook – papogi.com and Share! Thank you! 🙂