Ang Tunay na Gwapo

Alam naman nating lahat na tayo ay mga gwapo at alam ko naman na hindi mo itatanggi iyon. Pero ano nga ba ang kahulugan ng tunay na gwapo? Kung sa tingin mo ay gwapo ka tapos ganito sa mga sumusunod, ka tama ka! Pero kung hindi ka naman ganito sa mga sumusunod, maaaring gwapo ka lang sa itsura pero hindi sa personalidad. Kailangan nating maging gwapo sa panlabas at pati na rin sa panloob para maging tunay na gwapo.

Ang Tunay Na Gwapo1

1. Ang tunay na gwapo malakas ang confidence sa sarili.

Mas nakakagwapo ang pagkakaroon ng confidence sa sarili dahil hindi sila takot na ipakita sa iba ang kanilang kagwapuhan, nakakataas din ito ng self-esteem.

2. Ang tunay na gwapo ay may respeto.

Kung may respeto ka ibig sabihin gwapo ka. Kung gwapo ka naman tapos wala kang respeto, sayang lang ang iyong kagwapuhan. Mas ayos na kung hindi ka naman ganun kagwapuhan basta marespeto kang tao, dahil ang pagiging marespeto ay nakakapogi sa isang tao.

3. Ang tunay na gwapo ay tumutulong sa kapwa.

Ang pagiging gwapo ay hindi lamang pinapairal sa pag papapogi. Dapat marunong ka rin tumulong sa kapwa. Kung tumutulong ka sa kapwa, malaki ang chance na madagdagan ang iyong pogi points.

4. Ang Tunay na Gwapo Napapansin, hindi papansin.

Ang tunay na gwapo ay napapansin dahil sa kanyang itsura o sa kanyang magagandang kinikilos. Hindi papansin ang mga gwapo, dapat kung alam mong gwapo ka hindi ka na gagawa ng mga paraan na mapansin ka, kung gwapo ka talaga kusa kang mapapansin ng ibang tao.

Papogi: Ang Tunay Na Gwapo2

5. Ang tunay na gwapo hindi sa text nanliligaw, dapat sa personal.

Kung ikaw ay gwapo tapos naisip mong manligaw sa iyong hinahangaan, gawin mo ito sa personal hindi sa paraan ng pagtetext o chat lang. Mas mapapadama mo sa nililigawan mo na gusto mo talaga s’ya kung sa personal mo ito gagawin. Hindi nakikita ang mga emosyon sa text o chat.

6. Hindi mo na kailangang makipagsabayan sa iba para masabing GWAPO ka, dahil ang tunay na gwapo, ugali muna ang inaayos bago ang itsura.

Ugali muna bago itsura. Dapat ganyan ang mga gwapo. Kung mabait ka tapos gwapo ka mas marami ang ma-aattract sa iyo. Kung gwapo ka nga pero masama rin ang iyong ugali, malaki ang posibilidad na hindi ka pansinin ng mga tao dahil sa iyong masamang ugali. Ang pagkakaroon ng magandang ugali ay nakakadagdag ng pogi points sa mga lalaki.

7. Ang tunay na gwapo, hilamos lang sapat na.

Kung gwapo ka talaga, kahit mag-hilamos ka lang ay ayos na. Hindi yung ang dami dami mo ng pulbo sa iyong mukha para lang magmukhang gwapo, mas nagmukha ka pang bangkay dahil sa sobrang puti ng mukha mo.

8. Ang tunay na gwapo ay may takot sa Diyos.

Ang mga lalaki ay lalong gumagwapo kung sila ay may takot at sumasampalataya sa Diyos. Ang mga tunay na Gwapo ay nagpapasalamat sa Diyos dahil nakatanggap sila ng kagwapuhang ipinamana ng Diyos sa kanila.

 

loading...