5 Palusot ng mga Lalaki sa mga Girlfriend

5 Palusot ng mga Lalaki sa mga Girlfriend

Ang mga lalaki mahilig magpalusot sa mga girlfriend lalo na kung ayaw niya na ito ang maging dahilan ng kanilang pag-aaway. Marami ang lumulusot at meron din ang hindi.. Marami ang nananawa ngunit marami  parin ang kumakapit. Ngunit likas naman sa mga lalaki ang pagiging malambing na nakakatulong sa kanila upang mapunan ang oras na kanyang ninakaw. Minsan pa nga ay sinusobrahan pa nila upang hindi mawala ang tiwala na ibinigay sa kanila. Minsan ay mahuhuli na lamang ng kanilang girlfriend ang kanyang ginawang palusot kung siya’y madudulas. Ngunit likas ang kanilang pagiging bolero kaya nalulusutan parin ang kanyang ginawa.

5 Palusot ng mga Lalaki sa mga Girlfriend

  1. Mahal may gagawin lang po ako..

Ang linyang binabanggit kapag may lakad sila na iba na ayaw ipabatid sa kanilang girlfriend kung saan. Mahirap hagilapin ang isang taong ayaw magpahagilap sa’yo. Dahil ayaw niya magaway sila ng jowa niya, kasi alam niya na kahit anung paliwanag niya hindi ito maniniwala sa kanya. Minsan ang pagpapalusot na ito ay nakakabuti rin sa isang relasyon upang walang away pero  kailangan muh paring  maglambing upang hindi ka mahalata.

  1. Mahal may inuutos lang sa akin sa mama hah.

Kapag ayaw makatext o ayaw sagutin ang tawag ng girlfriend ito ang dahilan nila. Kahit hindi naman inuutusan ng nanay nila ito ang sasabihin para maisip nga naman ng girlfriend nila na masipag ang kanilang boyfriend. Ito kalimitan ang dinadahilan upang hindi sila pag-isipan ng kanilang boyfriend, kasi kung ikaw ang babae mapapaisip ka rin at isasaalang alang muh ang pagiging anak ng boyfriend muh.

  1. Mahal may pupuntahan lang kami ni mama hah…

Ang palusot na ito ay minsan tama minsan dahilan lang. Malimit na ginagawang dahilan ang ina upang sila ay payagan ng kanilang girlfriend kasi ang babae kapag sinabi mu ang tungkol sa nanay muh payag agad yan …kasi alam nila na nanay muh ang kasama muh at hindi mga linta na dikit ng dikit sa mga lalaki.

5 Palusot ng mga Lalaki sa mga Girlfriend

4. Mahal may laro kami ng basketball ngayon ee.

Ang mga lalaki maraming hobbies yan hindi jan mawawala ang basketball at habang tumatagal na nagiging modern na ang lahat ay nadagdagan ito ng mga computer games especially dota. Ito ang kalimitang kalaban ng mga girlfriend sa kanilang mga jowa. Pero anu pa nga ba ang magagawa ng jowa muh kung ikaw ay naglalaro na. Kalimitan ito rin ang nagiging dahilan ng pag-aaway ng magjowa paulit ulit at walang kasawaan. Pero anu pa nga ba magagawa ng mga girlfriend ay di walang katapusan pag-unawa. Kasi ang mga lalaki likas na   malambing konting lambing lang ng mga yan bati na ulit sila.

5 Palusot ng mga Lalaki sa mga Girlfriend

5. Mahal may lakad ang barkada

Ang kanyang barkada ay parang pamilya na rin sa kanya. Hindi niya yan basta basta maiiwan kahit anung gawin muh. Maraming gagawin na paglalambing sa mga girlfriend upang sila ay payagan lang. Hindi sila papayag na hindi sila makaalis sa tamang oras kaya gagawa at gagawa yan ng mga paraan para makaalis. Minsan nagiging dahilan ito ng kanilang hidwaan pero nalulusutan pa rin yan ng mga lalaki.. Magaling sila bumawi sa mga bagay bagay na kanilang nawala.

Thank you for visiting our blog site. I’ll hope you enjoy reading. For more information just visit our FB page papogi.com. Please like and share.