5 Hugot ng mga Hinarot pero may Charot

5 Hugot ng mga Hinarot pero may Charot

Minsan ka na rin bang pinakilig ng taong ipagpapalit ka rin pala para sa huli? Iniwan dahil may nahanap na iba ang tao mong gusto. Taong hinarot harot ngunit sa huli ay pinabaunan lamang ng salitang “charot”? Pinaghintay tapos yung taong gusto mo nawala na parang bula? Tamang tama ang napuntahan mo. Baka tamaan ka rin ng mga linyahang mababasa mo dahil nandito ang ilan sa mga hugot para sa mga taong umasa tapos iniwan.


 

Akala ko espesyal ako sa lahat, ‘di mo naman kasi sinabing ganun ka sa lahat.

Akala ko espesyal ako sa lahat,
‘di mo naman kasi sinabing ganun ka sa lahat.

Ito yung ang sweet sweet nya sa’yo, sa personal man o maging sa chat. Yung feeling na parang ikaw lang yung pinapasaya nya nang ganoon. Nagbabato ng sweet lines, bumabanat ng mga pampakilig tapos malalaman mong sa huli, sweet din pala sya kahit sa friends lang, sa  madaling salita, kaibigan ka rin lang.

I love you as a friend

“I love you, as a friend.”

‘Di mo alam kung magiging masaya ka ba o malulungkot. Mahal ka naman, pero bilang kaibigan lang.

Ako naman yung taong seryoso, ‘di ka nga lang sa’kin nakuntento.

Ako naman yung taong seryoso,
‘di ka nga lang sa’kin nakuntento.

Sa mga taong binigay na yung lahat tapos pinagpalit pa rin.

Gusto mo lang pala akong saktan, sana naghamon ka na lang ng suntukan

Gusto mo lang pala akong saktan,
sana naghamon ka na lang ng suntukan.

Para fair.

Ang sarap mong titigan habang tumatawa

Ang sarap mong titigan habang tumatawa,
kaso ngayon sa’yo ay may iba nang nagpapasaya.

Yung dating masaya sa’yo pero iba na ang nagpapasaya ngayon.


 

Kung isa ka sa mga malulumbay, ipagpatuloy lang ang pagbisita. Everything happens for a reason nga, sabi nila.

 

(Visited 490 times, 12 visits today)