2017 Tagalog Love Quotes

Mga bago at nakatutuwang Quotes and Sayings ba ang hanap nyo? Congrats! Wag na kayong mag-alala dahil nakita nyo na ang the best Site para sa inahanap nyo! Si Papogi.com na ang bahalang magpakita sa inyo na mga Quotes na siguradong magugustuhan nyo! Kaya ano pang hinihintay nyo? Mag Scrool down at magbasa na! 🙂 Sana Mag Enjoy kayo!


2017 Tagalog Love Quotes 1

“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran Sila? Kailangan mo libutin ang buong Mundo para makaharap ulit ang Taong Tinalikuran mo”

“Once na Tinalikuran mo ang isang tao para na ring iikutin ang mundo mundo para lang makaharap mo siya ulit. Kaya wag na wag mong tatalikuran ang taong nagmamahal sayo kasi baka huli muna marerealize na mahalaga siya sayo kung kelang malayo at imposible mo na siyang maabot muli”

2017 Tagalog Love Quotes 2

“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din!”

“Kung gusto mong magkaroon ng boyfriend or girlfriend. Kumilos ka dahil kung di ka kikilos baka maunahan ka pa ng iba. kaya kung gusto mong may mangyari simulan mo na ngayon hindi kung kelang huli na ang lahat”

2017 Tagalog Love Quotes 3

“Hiwalayan ng kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa”

“Kung masyado ka ng nasasaktan at nahihirapan baka siguro kailangan munang sumuko at e give up siya. Hindi yung laban ka pa ng laban sa relasyong wala namang patutunguhan! Bes maawa ka naman sa sarili mo! Kung sobrang nagpapakatanga kana talaga sa kanya  maawa ka naman sa sarili mo! isang malaking “Pagkukusa” lamang ang sagot sa katangahan mong yan kaya wag munang patagalin pa at baka lalo ka lang masaktan sa bandang huli”

“Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso. Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal”

“Masaabi mo lang na mahal ka niya kung pinapakinggan ka niya. Kasi ang pag-ibig hindi lang Sweet! Pano kung minsan meron kayong hindi pagkakaunawaan at di pa ka pa niya pinapakinggan? diba wala din patutunguhan ang inyong usapan?”

“Kung hindi mo mahal ang isang tao, ‘wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya”

“Di mo kailangan magpakita ng mga sinyalis na gusto o mahal mo siya kung wala naman talaga? kasi baka umasa lang siya kaya mas mabuti sa umpisa pa lang pinaramdam mo na sa kanya kung ano ba talaga. Dahil sa bandang huli kayong dalawa lang din ang masasaktan at magsisisi”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang”

“Kapag nagmahal ka wag kang masyadong magpakatanga lalo na kung alam mong di ka niya mahal! Baka kasi pagnanasa lang yan! kaya wag mong pahirapan ang sarili mo sa kakaisip sa kanya! Matoto ka ding mag let go. Kasi malay mo di mo din pala siya talaga mahal at naunahan ka lang niyang marealize na ayaw niya din sayo”

“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo”

“Ipakita mo sa kanya ang iyong pagmamahal at alagaan mo siya at protektahan! kung yun ang sigaw ng iyong puso. Pero kung di naman niya ma appreciate at iparamdam din sayo ang mga ganung bagay siguro kailangan mo nang makinig sa sinasabi ng utak mo na tama na”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na”

“Kung may kapit kana wag ka ng hahawak pa ng iba! Dahil darating ang panahon na mabibitawan mo yung isa kasi once na mangalay kana kailangan mong ilipat sa kabila kaso kung meron din tong hinahawakan ikaw lang din ang mahihirapan”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang”

“Kung may malaki kang problema na kung saan di ka mahal ng mahal mo? Wag ka masyadong Over Acting! Anong sa tingin mo ikaw lang ang nahihirapan? Ikaw lang ba ang nakararanas ng ganyan? Ikaw lang ba nasaktan? Wag kang mag-alala meron ding nagmamahal sayo pero di mo mahal! Kaya Quits lang”

“”Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko”

“Kung wala na sayo ang dati mong kasintahan pero kung minsan naaalala mo siya. Anong sa tingin mo? Hinahanap mo ba siya o ang kawalan niya? Dahil kung ang hinahanap mo lang ang kawalan niya? di mo siya talaga mahal kundi  mas pinapahalagahan mo lang ang iyong kagustuhan. Pero king “Siya” talaga ang iyong hinahanap ibig sabihin mahal mo ang buong pagkatao niya at hindi lang yung kaya niyang gawin para sayo”


Maraming salamat sa pag bisita sa aming Blogs! Sana nag Enjoy kayo to the max! Gusto nyo pa bang makabasa at makakita ng mga pinaka Trending Quotes and Sayings? Di nyo na kailangan maghanap! Dahil araw-araw kaming mag A-update ng mga bagong Quotes na sigurado nyong magugustuhan! Kaya lagi kaming bisitahin sa Site na to At wag kalimutang bisitahin din ang aming Pages sa facebook na Papogi.con! Please like and Share! Thanks!