“10 Things Your Mom Never Told You”

Minsan may mga bagay bagay na itinatago sa atin an gating ina, dahil gusto lang nilang maibigay yung mga bagay na nais natin. Wala naming hinangad na masama para sa atin an gating mga ina hindi ba? Sobra tayong mahal ng ating mga ina sa isip sa salita man at lalong lalo na sa gawa. Narito ang ilan sa mga sekretong itinatago nila na tiyak na makakaantig njg inyong puso.

“She wanted that last piece of pie”
“She wanted that last piece of pie”

May mga bagay o pagkain nais ding matikman ang ating mga ina ngunit mas inuuna nila bilhin yung pangangailangan natin. Ganun naman talaga ang mga magulang diba anak muna nila bago sarili nila? Kaya dapat pag ikaw naman nagkaroon ng work kaw naman magbigay sa kanila, kahit hindi na para sa sakrepisyo nila kundi dun nalang sa pagmamahal na inilaan niya sa iyo

“You made her cry… A lot”

Ang ating mga ina ay medaling maiyak kasi nga mabababaw daw ang luha ng kababaihan, ngunit hindi nyo baa lam na ikaw ay isa sa mga dahilan ng kanilang pagluha? Ayaw kasi nilang napapariwara ang landas natin, example ginabi ka sa tambayan lingid sa iyong kaalaman nagaalala sayo ang iyong ina, maraming bagay agad pumapasok sa isip niya nab aka napahamak kana na baka naaksidente ka o napagtripan ng lasing, hindi sila magkaintindihan o hindi sila makatulog sa pagaalala kasi nga mahal nila tayo.

“She was always afraid”
“She was always afraid”

Takot siya na masaktan ka, takot siya na mahirapan ka at takot din siya na wala kang matutunan kaya ginagawa niya lahat para mapagral kalang, ayaw niya maligaw ka ng landas. Ayaw niyang maging katulad tayo ng ibang naligaw ng landas, gaya ng mga taong walang alam kundi manglamang sa kapwa.

“It hurt”

May mga oras na nasasaktan natin ang magulang natin sa pamamagitan ng hindi paggalang sa kanila, sa pagsuway natin sa kanila at sa pagrerebelde natin sa kanila. Kung susundin lang natin ang gusto nila marahil hindi tayo maliligaw ng landas, at maaring magkaroon tayo ng magandang buhay.

she watched you as you slept
“She watched you as you slept”

Sa gabi o sa tanghali man binabantayan nila tayo sa ating pagtulog ichinecheck niya palagi kung komportable ka sa pwedto mo, sa higaan mo at kung hindi ka makakagat ng insekto. Swerte nating mga anak diba? Ngunit darating yung time na magiging magulang din tayo at ang mga karanasang ipinakita sa atin n gating magulang kung paano alagaan ang isang pamilya ay ating magagamit.

“She knows she’s not perfect”

Gayunmang hinndi sila perpekto ginagawa nila yung best nila para sa kaniyang mga anak at asawa upang maipakita niya kung gaano niya ito kamahal. Gusto niya yung the best parati para sa kanyang pamilya, masarap na ulam, malinis na bahay at higit sa lahat ang maalaga niyang haplos.

“She carried you a lot longer than nine months”

“She carried you a lot longer than nine months”

Hindi lang nung mga bata tayo inalagaan o sinalo ng mga magulang natin, may mga oras nga na kahit mali ka ipagtatanggol ka ng nanay mo ei. Sobra tayong mahal nanay natin sa oras na may problema ka siya yung malalapitan mo talaga siya yung laging may naiisip na paraan upang sulusyunan ang problema. Kaya makakabuti talagang huwag isekreto sa ating ina an gating problema, malaki man ito o maliit, magaan man o mabigat an gating kasalanan lagi siyang andiyan upang tulungan ka. Naaalala mo ba nung bata ka pa? noong bago ka palang pumapasok sa eskwelahan siya ang kasa-kasama mo siya yung nagbabantay sayo? Ayaw kasi nila na mapahamak, isa itong way nang pagpapakitang ayaw nilang lumaki tayo na wala siya sa ating tabi.

“She put you first”

Hindi ugali ng ina ang unahin ang sarili niya kesa ang kaniyang mga anak, sapagkat ang pagmamahal niya sa kaniyang mga anak ay higit pa sa pagmamahal niya sa kaniyang sarili. Syempre sa nakikita mo sa ginagawa magulang mo diba mas inuuna niya pangangailangan mo? Tuition mo makaexam kalang, yung tipong pag namalengke siya pagmay pinabili ka bibilihin parin niya ito kahit kulang na sa budget gagawan niya ito ng paraan maibigay lang gusto mo.

“It broke her heart every time you cried”
“It broke her heart every time you cried”

Sobra talaga tayong mahal ng ating ina, ayaw niya makitang lumuluha tayo, na nasasaktan tayo kasi mas nasasaktan sila. Ngunit may mga pagkakataon na hinahayaan lang nila tayo upang matuto tayo tumayo sa oras na tayo ay madapa upang hindi natin sukuan ang mga problemang ating kakaharapin at upang tayo’y maging matatag.

“She would do it all again”

Gagawin niya lahat para sayo mapakita lang sayo na mahal ka niya, upang hindi mo maramdamang nagiisa ka kasi nandiyan siya parate para sayo.

“Salamat muli sa pagbisita sa blog site ng mga tunay na lalaki, nagustuhan ninyo ba ang topic tungkol sa mga lihim ng ating ina? kung saan ginagawa nila ang lahat lahat para sa atin upang mabigay nila lahat ng ating pangangailangan. Gusto ninyo pa ba ng mga makakabuluhang quotes, saying, advice at mga aral? Patuloy lang na sumubabaybay at abangan ang aming update o bisitahin ang aming FB page papogi.com.”

Please LIKE and SHARE, but don’t forget to smile 🙂

Thanks!