10 Katangian ng Pag-ibig na dapat Taglayin ng isang Relasyon

10 Katangian ng Pag-ibig na dapat Taglayin ng isang Relasyon.

– narito ang sapung katangian na sa tingin ko ay dapat na taglayin ng isang relasyon para humaba o tumagal pa ang pagsasamahan at pag-ibig ng BAWAT ISA sa isang relasyon. “BAWAT ISA”nakacops lock kase, ang unfair naman kung “ISA” lang ang nagmamahal at lumalaban, di ba?, Skl(share ko lang) .Sa totoo lang wala pa akong karanasan sa isang relationship, kaya di ko alam kung gaano kasarap ang nasa relasyon, at kung gaano kasakit sa puso ang magdaan sa breakup. Pero base sa mga natunghayan ko ng mga tagumpay at nagfailed na relasyon, masasabi kong ito ang dapat na taglayin ng isang relasyon.

papogi.com-featured image

1.Tiwala
– Ang nangunguna sa listahan dahil yan ang kadalasan at karamihan sa dahilan kung bakit matagumpay ang isang relasyon, at kung bakit din nasisira ang relasyon. Dahil ang tiwala yan ang talagang nagpapatibay sa isang relasyon maging sa pagkakaibigan at sa marami pang uri ng relasyon yan ang sikreto. Kaya no.1 na dapat taglayin ng relasyon… TIWALA.

papogi.com-featured image

2.Respeto
– Sa isang relasyon kailangan ng respeto dahil shempre kung wala ito di masaya ang isang relasyon. Ang respeto ay pagkilala sa isang tao sa kung ano sya, ginagalang ang karapatan at will ng isang tao. Kaya sa isang relasyon dapat na kinililala ng bawat isa sa kung ano ang mga katangian nya, ginagalang at nirerespeto ang mga kagutuhan o nais ng bawat isa.

papogi.com-featured image

3.Tapat
– Sa isang relasyon dapat na tapat ang bawat isa dahil unang una sa lahat ang pagcommit ng bawat isa ng buhay nila na magsasama ay isang pangako at ang pangako, alam natin, na ito ay tinutupad at ang nag udyok dito ay pag-ibig. Kaya kung ang tapat ng bawat isa ay mawala di tunay ang pag-ibig nyo sa isa’t isa. At isa pa , kapag di kayo naging tapat sa isa’t isa sinira nyo na rin ang tiwala nyo sa isa’t isa.

papogi.com-featured image

4.Pagpapatawad
– Sa isang relasyon di maiiwasan na di magkasala ang bawat isa, kaya dapat mayroong pagpapatawad sa isang relasyon dahil kung meron ang relasyon nito mas titibay ang pagsasamahan dahil sa pagpapatawad gan lumalabas ang respeto, at pagtanggap. Nirerespeto ng bawat isa ang desisyon kahit di sang ayon ang isa, at tinatanggap ng bawat isa ang kakulangan, kapintasan, at pagkakamali na nagawa ng bawat isa.

papogi.com-featured image

5.Pangunawa
– May kaugnayan ito sa pagpapatawad dahil ang pangunawa ay isang kilos kung saan pinakikingan ang side ng bawat isa, halimbawa kung may nagawa ang isa sa inyo na pagkakamali, dapat na inuunawa mo ang sinasabi ng iyong partner, pakinggan ang side nya at wag mo syang huhusgan unless na deserved naman talaga nya ito para magising sya sa ginawa nyang pagkakamali at kung humingi naman sya ng sorry at tingin mo ay totoo sya sa paghingi nito, ibigay mo wag kang maramot at kung di mo agad ito maibibigay sabihin mo sa kanya na kailangan mo ng space for that. At dapat ganun din sya sa iyo.

papogi.com-featured image

6.Suporta
– Sa isang relasyon dapat na mayroong suporta dahil ang pagbibigay ng suporta sa iyong partner ay pagpapakita na mahalaga ang bawat naisin nya sa buhay. At shemre nagpapakita ito ng pagmamahal. At dapat ganun din sya sayo. Kaya ng mahal nyo ang isa’t isa eh. Pagpapakita din ito ng kahandaan ng bawat isa sa inyo sa pag harap sa mga pagsubok na darating sa inyong relasyon. halimbawa may problema sa pagaaral ang isa sa inyo o kaya’y mayroon syang family problem, nariyan ka sa kanyang tabi at dinadamayan mo sya sa kanyang problema, sabi nga di ba, “ang problema mo ay problema ko rin” carry mo rin yung bigat at hirap kahit na sya ang nakakaranas nito di ba?. Yun kasi ang love, you share your life to your loveone. Ang papapakita ng suporta ay pagpapakita rin ng pagdamay.

papogi.com-featured image

7.Kalayaan
– Sa isang relasyon kailangan may kalayaan ang bawat isa na ihayag ang kanyang naisin, gawin kung ano man ang nais nyang gawin kaugnay nito ang suporta nyo sa isa’t isa. Ang sama naman sa isang relasyon na parang nakakulong ang isa sa inyo hindi yun pagmamahal isa yung kasakiman dahil lahat nalang ay pipiogilan mo sa kanya, “hindi pwede yan” yung tipong di mo na sya papakingan sa mga gusto nya, meron kasing ganun eh. Gusto sya lang ang magdedesisyon at walang karapatan yung isa na tumutol kahit na tutul ito sa kanyang kagustuhan. Kadalasan ito sa magasawa at kadalasan mga padre de pamilya ang gumagawa nito-_ang pagaalis ng kalayaan sa partner.Kagaya nga ng sinabi ko, hindi ito isang pagibig kung walang kalayaan, isa itong kasakiman.

8.Pagbibigayan
– Pagbibigayan sa isang relasyon ay pagpapakita ng tunay na pagmamahal. Ang pagmamahal ay pagbibigay nyo ng buo nyong pagkatao sa isa’t isa. Ang lahat ng sa iyo ay sa kanya at lahat ng sa kanya ay sayo. May karapatan ang bawat isa sa inyo, may kalayaan, may suporta.

9.Pagtitiis
– Bilang nagmamahalan kayo, kadamay nyo ang bawat isa sa problema, sa hirap. Ang pagmamahal ay pagsasakripisyo ng sarili upang magtiis sa mga ito. Tinitiis nyong magkasama ang hirap sa inyong pagsasama dahil kung wala ang pagtitiis sa isang relasyon hindi ito matibay at madali itong mabubuwag ng problem

10. Saya
– Nung maranasan mong ma-inlove, di ba ang saya?, ang sarap ma inlove di dahil naranasan ko ng magkaroon ng relasyon, kundi na feel ko lang sya sa paligid ko. Ang presenya kase ng pag-ibig ay malakas nakakagaan ito ng pakiramdam, it makes us smile, smile na di pangkaraniwan, kakaiba di ba?. Kaya sa isang relasyon dapat merong saya. Ang ispirit ng LOVE ay nagbibigay ng saya, di lang basta saya kundi kagalakan, yan ang unang unang kapangyarihan ng LOVE na mararanasan natin.

“LOVE IS THE MOST POWERFUL FORCE IN THE UNIVERSE, IT CONQUERS EVERYTHING”

If you have your own 10 Katangian ng Pagibig na dapat Taglayin ng isang Relasyon, feel free to share it with us and we will be delighted to have them featured here at Papogi.com. Let us inspire more readers. For more updates, you can also visit and Like our Facebook Page Papogi.com.

loading...